MISSION 67: LET'S END THIS (Part 1)

1.7K 42 7
                                    

Gusto kong sabihin na hindi pa ito yung pinaka peak haha part 2 pa pasensya masyadong mahaba kapag dito ko sinama, anyway tinatype ko pa yung mismong laban kala ko aabutin dito hindi pala. Kaya sorry uli kung maboringan man sa chap na ito. Sabay ko na dapat silang ipopost kaso mawawalan na uli ako load mamaya sayang naman kaya unahin niyo na basahin ito. Hehe. Kung mabait ang tatay ko at paloadan uli ako kapag natapos ko na part 2 post ko mamaya  o kaya bukas.  

------------------------------

Shim’s POV

“Shim, wala ka na ba talagang balita kay Paige?” tanong nung classmate ko na dahilan upang ikaangat ko ng tingin sa kanya mula sa pagkayuko ko sa desk ko.

“Bakit ako tinatanong mo? Sino ba yun?” sabi ko at bumalik sa pagtulog. Wala kasi kaming klase, absent yung teacher namin sa English.

“Bitter naman nito.” Rinig ko pang sabi nung classmate ko.

Bitter na kung bitter, wala naman kasi talagang Paige Winthrop na nag-eexist sa mundo.

Akala ko tapos na silang istorbuhin ako pero di pa pala.

“SHIM MAY NAGTATAWAG SAYO!”

Napaangat na naman ako ng ulo nung marinig ko yun. Tumingin ako sa may pinto ng classroom, nangunot noo pa ako nung makita kong si Hennesy yun. Napatayo ako, ano na namang kailangan niya?

Ang ganda ng ngiti niya lalo na nung makalapit ako sa kanya.

“Ano na namang problema mo?” irita kong tanong.

Mas lalong lumawak ang ngiti niya. “Mamaya, after class... magkita tayo sa likod ng school.”

Inirapan ko siya.”Anong pakulo na naman ba yan?” sabi ko at tatalikuran na sana siya pero mabilis niyang nahigit ang braso ko. mahigpit niya pa yung hinawakan.

“Kapag hindi ka nakipagkita sa kin mamaya, buong school ang makakaalam kung sino ka gusto mo ba yun? Yung huwarang estudyante sa lahat malalaman nilang may baho pala—“

“Ano bang sinasabi mo?” pilit akong kumawala sa pagkakahawak niya sa braso ko, hindi ko alam ang sinasabi niya pero kinakabahan ako sa kutob ko kung ano yun.

Ngumiti na naman siya. “Malalaman mo rin basta mamaya ha? Bye Shim.” Sabi niya pa at nagulat na lang ako nang makipag beso siya sa kin.

Anong palabas na naman ba to Hennesy?

Kinawayan niya pa ako habang naglalakad siya paalis. Weird niya, papasok na sana ako sa classroom uli nung mamataan ko naman si Shiatsu na pasalubong. Tumigil din siya nung makita ako nagtaka pa ako ng titigan niya ako ng maigi at dahil naiilang na ako, pumasok ako agad ng room. Ang weird nila ni Hennesy.

After class...

 

THE GANGSTER HUNTER [Book 1 completed]Where stories live. Discover now