MISSION 64: THE WAR PLAN

2K 59 28
                                    

Hi saeng! For you ^^

 

Shim’s POV

Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko, pakurap kurap pa ako at nakatingin dun sa hinahangin na kurtina sa kwarto ko--- nanlaki ang mga mata ko nung may maisip ako. Kwarto ko? Napabangon ako sa kama. Nandito nga ako sa kwarto ko, paano ako napunta dito? Huling tanda ko nandun ako sa apartment ni Paige...

“Ate...”

Napatingin ako kay Mhezra na ngayon ko lang napansin na nakaupo pala sa isang silya di kalayuan sa kama ko, nung makita ko siya, dahan dahan siyang lumapit at umupo sa gilid ng kama.

“Kumusta ka? okay ka na ba? Buti naman gising ka na.”

Nangunot noo ako sa sinabi niya. “Bakit anong oras na ba?”

“7 AM, Monday na Ate may pasok tayo kaso mukhang di ka pa okay eh kaya di na lang din muna ako pumasok.”

Nakatingin lang ako sa kanya hanggang mag-sink in yung sinabi niya. Monday na... ha?

“Sigurado ka?” taka kong tanong.

“Oo, kahapon ka pa tulog parang wala ka ngang balak gumising eh.”

Lumihis ako ng tingin kay Mhezra at may inalala, Linggo... kahapon yun, Monday na raw eh. Nasa apartment ako ni Paige at pinipigilan siyang umalis. Akala ko mapipigilan ko siya, umiyak ako... niyakap niya ko at...

“I’m sorry Shim...”

 

Para siyang may itinurok sa kin pagkatapos nun, nagdilim na ang lahat.

“S-SI PAIGE?” tanong ko ulit kay Mhezra nung magbalik sa kin yung nangyari.

“Hindi ko alam.” Sagot ni Mhezra.

“S-Sinong naghatid sa kin dito?” tanong ko ulit.

“Si Paige.”

Lumapit pa ako ng husto kay Mhezra. “Anong sinabi niya? May ibinilin ba siya? Aalis na raw ba siya—magkikita pa ba kami?”

Nangunot noo sa kin si Mhezra. “Ang dami mo namang tanong Ate, teka lang ah—“

“BASTA SABIHIN MO NA LANG!” napataas na ako ng boses, sumasabay pa ang malakas na tibok ng puso ko. Paige...

“G na G? Ano bang nangyayari sayo?”

“Mhezra—“

“Okay! Hinatid ka niya, tulog. Nakatulog ka na raw kasi sa bahay niya kakanood ng pelikula, ayaw ka na niyang gisingin kaya hinatid ka na lang. Kukunin ka na dapat ni Papa mula sa pagkakabuhat ni Paige kaso nag insist si Paige mo na siya ang maghihiga sayo sa kama mo! Edi ayun, todo sama rin kami hanggang sa maihiga ka niya sa kama mo, tapos kinumutan ka pa niya. Umupo pa siya sa gilid ng kama mo tapos hinaplos pa yung mukha mo. Nagtataka nga kami sa kinikilos niya ang tagal pa niyang nakatitig sayo hanggang sa tumayo na siya at nagpaalam.”

THE GANGSTER HUNTER [Book 1 completed]Where stories live. Discover now