MISSION 51.2: YOU CAN'T HIDE IT FOREVER

2.5K 61 46
                                    

Hello! This chapter is for you  ate, fighting sa stories mo! read niyo po Beautiful Disaster ni kishiepanda :))

Angel's POV

Hoya...

Seryoso siyang nakatingin sa kin habang palapit ng palapit. Ako naman ay patuloy na umaatras. Nakita niya kaya akong lumabas mula sa Secret Room?

Anong sasabihin ko sa kanya? Wala na naman akong maisip na idadahilan. Napalunok na lang ako.

Tuluyan na siyang nakalapit sa kin habang nakatulala naman ako sa kanya. Mahigpit kong hawak mula sa likod ko yung mga papeles na nasa envelope.

"Saan ka galing?" tanong niya na naman.

"Ha?"

Nangunot noo siya. "Ilang beses pa akong magtatanong ng parehong tanong ha? Pinaglololoko mo ba ko?"

"H-Hoya... Ano---"

"ANO?"

Hindi mawala yung kaba sa dibdib ko. Nakita niya ba ako? Naki---

"Angel."

Naramdaman ko na lang na may humawak sa kamay ko at tumawag ng pangalan ko, pagkatapos nun ay hinila niya ako paalis doon.

Si Sungjong, siya ang gumawa nun. Hindi siya nakatingin sa kin. Nagtaka ako sa ginawa niya pero napabalik ako ng tingin kay Hoya na naiwan doong gulat

Pero mabilis din akong nag-iwas ng tingin at nagpadala kay Sungjong.

Hoya's POV

Ano yun? Teka kinakausap ko pa si Angel--- tapos sumingit si Sungjong! Fu-- hindi ako nakareact agad. Nakita ko si Angel na dumaan, hindi. Namamalikmata lang ata ako nang makita ko siyang lumabas mula sa Secret Room. Malayo ako nang makita ko siyang naglalakad. Basta ang sigurado ko, malapit siya sa Secret Room. Hindi naman siguro siya pumasok doon diba? Saan ba kasi siya galing? Walanghiya yun si Sungjong. Sabi niya hindi niya alam kung nasaan si Angel pero bigla-bigla na lang siyang susulpot? Tsk. Bakit ba kasi ako naniwala na wala siyang alam?

"Shit. Hindi ako papayag na basta niya na lang kinuha si Angel." tumakbo ako at sinundan sila.

THE GANGSTER HUNTER [Book 1 completed]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz