MISSION 18: IT'S ON!

4.6K 73 18
                                    

 Hello para sayooo!!! salamat sa pagbabasa! :D

Michaelis’s POV

Isang linggo na ang nakakalipas pero hindi pa rin nagpapakita si Invisible Queen. Ano ba talagang gusto niya? habang tumatagal ay lalo akong nababahala sa kanya. Kilala niya ang mga hunters, masasabi kong totoo yun base na rin sa naging aksiyon niya nung huling meeting. Anong nalalaman niya? kung wala siyang itinatago sana ay matagal na siyang lumanatad worse, hindi siya nag-walk out sa meeting.

“I still have no clue about her.”-Devious (Lavinia)

“It’s hard to find her whereabouts.”-Dark Shadow (Shiatsu)

“She’s always been so mysterious, even her own league doesn’t know so much about their leader.”- Big Harry (Harrick)

“Well what do you expect? Para sa isang taong may matinding sikreto siguradong magtatago siyang maigi.”-Lady Poisonous (Henessy)

Tumango ako sa sinabi nila. Parang gusto ko ng pagsisihan na itinalaga si Invisible Queen bilang 7th Gang League Leader. Pero hindi ko rin makakaila na talagang malakas siya at may potential kaya naman agad na napalitan ng gang nila ang Royalty Gang na namumuno noon sa 7th Gang League.

“Dapat kasi kahit natalo noon sa laban nila si Wild Flower ay hindi mo pa rin siya tinanggal. Sabi ko na nga ba, ito ang magigng consequence ng mga mali-maling actions mo Main Lord!” biglang bumulalas si Devious (Lavinia)

“Rules are rules, Devious.” Mahinahong sagot ko.

“Damn rules! Okay lang naman kasi talaga sa kin eh, lalo na kung si Chadburn na lang ang naging 7th Gang League Leader pero hindi! Si Invisible Queen ang humawak sa posisyon! Eh mukha lang yung first year highschool!”-Devious (Lavinia)

“Ang Phoenix Gang ang namili ng gusto nilang gang league leader kaya wala tayong magagawa dun.” Sagot ko pa rin.

“Tama ang Main Lord, Devious kaya kumalma ka lang. Baka magka-wrinkles ang maganda mong mukha.”-Jerry the Reaper.

“SHUT UP JERRY!”- Devious (Lavinia) sabay pasalampak na naupo sa upuan niya.

“Meron akong pinaghihinalaan na si Invisible Queen.” Napatingin kaming lahat nang magsalita si King Cobra (Lorqan)

THE GANGSTER HUNTER [Book 1 completed]Where stories live. Discover now