MISSION 19: ONE RAINY DAY

3.9K 91 15
                                    

 Hello! Para sayo oh salamat sa pagbabasa :D

Shim’s POV

WOOSH~

Ang lakas ng ulan, nandito ako sa may Park… hinihintay na dumating si Aerich may usapan kasi kaming magkikita at sabay na bibili ng gamit para sa project. Ang tagal niya nga eh kanina pa ako naghihintay lakas pa ng ulan. Asaan na kaya yun?

Maya-maya pa ay may natanggap akong text galing sa kanya.

From: Aerich

Waaah Shim, di ako makakapunta sorry may kailangan akong puntahan! Sorry, una ka na lang bumili!

 

Napatitig ako sa text niya, BAKIT HINDI NIYA SINABI KAGABI? EDI SANA HINDI AKO NAGHINTAY! AY KAINIS.

Hindi ko siya nireplayan nakaka-bad trip! Uuwi na ko! magpapara na sana ako ng jeep nang may namataan ako sa di kalayuan.

Hm? Paige? Malayo siya sa direksyon ko pero mukha siyang si Paige. Siya nga ba? Nagmamadali akong lumapit sa kanya at napatigil lang nang malapit na ako sa kanya. Nakayuko siya at mukhang seryosong seryoso. Nagpapakabasa pa siya sa ulan. Anong eksena niya?

Lumapit ako at pinayungan siya.

Paige’s POV

Hindi na ako nababasa ng ulan, parang may nagsilong sa kin. Pagtingin ko… bahagya pang nanlaki ang mga mata ko. Anong ginagawa niya dito?

“Anong emote mo? Music video? Nagpapakabasa sa ulan? Broken hearted ka no!”

Kinakunot lang ng noo ko ang lahat ng sinabi niya. Bakit nakita ko na naman siya? Iniiwasan ko ngang mapalapit sa kanya.

Shim’s POV

Tinitingnan niya lang ako, parang wala siyang balak magsalita. Iwinagayway ko tuloy yung kamay ko sa mukha niya.

“Sobrang labo na ba niyang paningin mo? Nandito ako oh! Si Shim to si Shim!”

Nananatili siyang nakatingin sa kin. Problema nito? Mukha pa siyang zombie ngayon paano namumutla na tapos mukhang kanina pa siya nagbababad dito sa ulanan.

THE GANGSTER HUNTER [Book 1 completed]Where stories live. Discover now