MISSION 74: BACK

1.4K 47 20
                                    

After 10 months...

Shim's POV

"Shim anong oras na, male-late ka na!"

Kinatok na ako ni Mama sa kwarto.

"Opo nandyan na." sagot ko naman, first day ko kasi ngayon sa college. Computer Engineering ang kinukuha ko sa Adamson University.

"Hoy ate akala mo nasa highschool ka pa rin no? Napakabagal mo kumilos kahit kailan." sabi sa kin ni Mhezra nung maabutan ko sya sa lamesa na kumakain.

"Alam mo yung kasabihang it's better to be late than to be ugly? Motto ko yun."

"Kapal. Maganda ka?"

"Kumpara sayo." sabi ko at tinarayan sya. Ganyan na talaga kami magmahalang magkapatid. "Alis na nga ako. Bye!"

Nakarating ako sa Adamson mga 10 minutes before 7 am. Bigla nga ako kinabahan eh syempre new school, new classmates, new life! College na ako syempre seryosohan na talaga to. At the same time excited din kasi makakakilala ako ng mga bagong kaibigan.

Naligaw pa ako bago ko nahanap ang room ko. Pagpasok ko sa loob maingay na agad. Wow.

"Hi ako si Harley." nagulat ako nung may bumati sa kin.

"Shim." pakilala ko naman at ningitian siya.

Hindi rin nagtagal ay nakausap ko rin kaagad yung mga katabi ko. Approachable naman sila eh. Maya-maya pa ay may dumating na ang prof.

"Good morning class, first day. Kumusta? Kumpleto na kaya tayong lahat?" sabi nung kakadating na Prof. "Check ko muna class list nyo ha."

Nagsimula syang magtawag ng pangalan. Nilibot ko ang paningin ko sa buong room. Hanggang sa may mapansin akong isang lalaki na nakaupo sa likod sa bandang kanan. Nakayuko sya at nakajacket na itim. Tapos nakasalamin. Tumalon nga yung puso ko eh.

"Egamino."

"Sir!" napaiwas ako ng tingin sa kanya at napataas ng kamay nung marinig ko ang pangalan ko. Tapos binalik ko uli ang tingin ko sa kanya.

Siya ba yan?

"Mendez"

"Sir" nag-angat ng tingin at nagtaas ng kamay yung lalaking tinitingnan ko. Napatingin siya sa kin nung marealize nya ata na nakatingin ako sa kanya. Agad naman akong napaiwas at napailing. Of course hindi siya yun, asa ka naman Shim.

He's gone not literally, but he's gone to a far away place... At di na siya babalik.

At pinagsisihan ko yung araw na umalis sya at di ako nagpakita sa kanya.
-----------------------

Naging maganda ang first day ko. Nakalabas na ako ng school at tatawid na sana nung may tumigil na kotse sa harap ko.

Chadburn.

"Pasok Shim!" bungad nya agad.

"Paano mo nalamang uwian ko na?" tanong ko sa kanya pagkasakay ko.

"Hinulaan ko lang, akalain mo yun masasaktuhan kita.  Kumusta first day sa college?"

"Masaya syempre idagdag mo pa na simpleng tao na lang ako."

Tiningnan ako ni Chadburn. Ah oo nga pala, it's been 10 months ng magquit ako bilang Invisible Queen. Chadburn take the lead, reason? Kasi gusto ko na lang maging normal na teenager. Malayo sa gulo at yung isa pang dahilan... Dahil sa kanya.

Hindi lang naman ako ang nagquit. Si Hennesy ay nagfocus sa modelling career nya, Si Devious ay nagfocus sa pagaaral graduating na rin kasi siya sa college. Si Dark Shadow hindi naman talaga nagquit pero mas matagal yung time na ginugugol nya outside na gangster world. Active pa rin si King Cobra pero nasa watch list pa rin sya. Yung gang ni Big Harry ay nananatiling walang League Leader, wala na rin akong balita. Habang si Jerry? Yung last time na narinig ko ay nasa ospital pa rin. Under coma. Marami ng nagbago, sa isang iglap. Di kami natalo ng hunters pero kami na mismo ang nagwatak watak.

THE GANGSTER HUNTER [Book 1 completed]Where stories live. Discover now