MISSION 41: EVERYTHING IS UNCLEAR Part 2

2.9K 63 24
                                    

Hello! Dedicated sayo my friend! ganda ng I'm a Mommy haha! kinikilig ako grabe my feels! XD

 

Paige's POV

Hinabol ko siya dahil kailangan ko siyang maabutan! Hanggang sa makaabot kami sa isang madilim na eskinita. Kusa siyang tumigil na ikinagulat ko. Iilang hakbang lang ang layo ko sa kanya ay pwede ko na siyang patayin.

"Ganyan ba katindi ang galit mo at kahit wala kang dalang sandata ay nakahanda kang patayin ako?"-Invisible Queen.

Lalo kong naikuyom ang kamao ko. 

"You want to kill me now?"-Invisile Queen.

Hindi ko siya sinagot.

"Silence means yes... but I'm afraid that I'm not really the one you want to kill." tapos nagsimula siyang umikot sa kin, hindi ko siya nilulubayan ng tingin.

“Ano bang sinasabi mo, I know you are Invisible Quee—“

Nagulat ako nang bigla niyang tanggalin yung maskara niya! Nanlaki yung mga mata ko kasabay ng pagtigil ng hininga ko! S-Siya? How come? It can’t be! OH SHIT!

“Hi classmate.”

Napako ako sa kinatatayuan ko. P-Paanong naging siya? Parang ang hirap paniwalaan.

“What? Say something Paige… Oh sorry you’re L right?”

Nanatili akong nakatingin sa kanya. She look weak and innocent but I can’t believe she’s my enemy!

 “Aerich? You are---“

“Ah-uh…” pinutol niya yung sinasabi ko.

“She’s on our side.” Napatingin ako sa likod ko nang may magsalita doon.

“Main Hunter.” Pagkilala ko sa kanya, natatakpan na naman ng hood ng kapa na suot niya ang buong mukha niya kaya hindi ko makita.

“What do you mean she’s on our side? This damn gangster---“

“Naniniwala ka ba talaga na siya ang totoong Invisible Queen? Wala ka bang ibang nararamdaman? Poor L… masyado kang nadadala ng galit, feel and think first before you act. Aerich is not the real Invisible Queen. She works for us and---“

“She is Shim’s best friend”putol ko sa sinasabi ng Main Hunter.

“Yes she is.”

Fuck this. Hinarap ko si Aerich. “Ito ba ang dahilan kaya iniiwasan mo si Shim?”

THE GANGSTER HUNTER [Book 1 completed]Where stories live. Discover now