MISSION 59: SECRETS ARE MEANT TO BE UNFOLD Part 2

2.3K 57 24
                                    

Hello as promise dedicated to you ^^

Shim’s POV

“Di pa ba tayo aalis dito? Gabi na kaya.”

“Maya na.” Sagot ko kay Paige. Nandito kasi kami sa buhanginan nakaupo, Masaya pa kasi akong tumingin sa stars.

Parang ganyan lang siya noon oh, kahit itaas ko ang kamay ko hindi ko maabot. Pero ito siya ngayon, katabi ko. Hindi naman ako nag-wish kahit isa sa shooting star pero natupad ang hiling ko. Sa paraang hindi ko nga lang inaasahan.

“Paige, kahit ba na...”

“Ano?” tanong niya nung nambitin ako.

Huminga akong malalim bago nagpatuloy, pero nananatiling sa kalangitan ang tingin ko.

“Kahit ba na... may malaman kang di mo magugustuhan sa kin, m-mamahalin mo pa rin ba ako” out of the blue na tanong ko, pero may sense naman yung tanong ko, what if malaman niya na na ako si... Invisible Queen?

Hinintay ko yung sagot niya, nung di pa rin siya sumasagot tumingin na ako sa kanya. Nahuli ko siyang nakatingin sa kin pero kahit na ganun, di siya nag-iwas. Hindi naman madilim doon sa kinauupuan namin kaya kitang kita ko ang mga mata niya. Parang ang dami nung gustong sabihin...

“Mamahalin mo siya kahit ano pa siya.”-Paige.

“Ha?” naguluhan ako bigla sa sinabi niya.

Ngumiti siya ng tipid sabay tingin sa langit.

“Diba yun ang essence ng love? Yung tipong love is blind. Kasi hindi ka humanap ng rason kung bakit mo siya minahal, ma-pisikal o material man basta ang alam mo mahal mo siya at gusto mo siyang makasama. Tss. Saan ko ba nakukuha tong mga sinasabi ko? ” sabi ni Paige at napayukong pailing-iling.

Nakatingin naman ako sa kanya. Wow kasi... deep word, pero tama naman siya dun. ako nga hindi ko alam kung bakit ko siya minahal si Wooyoung naman number 1 sa bias list ko. Pero iba nga kasi ang number 1 sa true.

At sana rin, mahalin pa rin niya ako kahit na ako ang kaaway na hinahanap niya. Napayakap ako sa sarili ko at kinapa yung sugat ko sa kanang braso. Muntik niya na tong makita.

“Nilalamig ka?”-Paige.

Napatingin uli ako sa kanya, napaayos ako. Akala niya nilalamig ako.

“Hindi ah.” Mabilis kong sagot.

“Bakit niyayakap mo sarili mo? Pwede namang ako ang yumakap sayo—“

Hinampas ko siya ng mahina sa braso. “Lumalandi ka na naman.”

THE GANGSTER HUNTER [Book 1 completed]Where stories live. Discover now