MISSION 54: CONFUSED; THE DEAL

2.4K 53 48
                                    

HELLO! dedicated to my new friend. Hi unnie :)

Mhezra’s POV

Matiyaga kong hinintay si Yeol, sabi niya kanina malapit na siya eh pero isang oras pa ang lumipas matapos siyang mag-text eh... wala pa siya.

Tatawagan ko na sana siya, pero naantala nang makita ko na siyang pumasok sa cafe. Napatayo naman ako, tapos hinubad niya yung shades na suot niya at ngumiti ng makita ako.

“Yeol...” sabi ko ng tuluyan siyang makalapit.

“Sorry I’m late. Kanina ka pa?” tanong niya bago kami naupo.

“H-Hindi naman, ngayun-ngayon lang ako dito.” Pagsisinungaling ko, kahit yung totoo... dalawang oras akong naghihintay at super late na ako sa klase ko, di na lang siguro ako papasok. Di na rin naman magpapapasok yung guard sa mga late eh.

“Hindi ka pa ba late sa klase mo?” tanong ni Yeol.

“Hayaan mo na yun, mas importante ka—“

“Mas importante yun, sorry dahil sa kin late ka na.” Putol ni Yeol sa sinasabi ko. Inabot niya pa yung isa kong kamay at pinisil. Emeged.

“Ah---Yeol ano...” tentenenen naman nabubulol ako.

“Ano yun? Yung ibibigay mo ba sa kin?”

“Ano...”

“Ibigay mo na agad para makapasok ka na.”

Binitawan na ni Yeol ang kamay ko at napatingin naman ako sa kanya. Matapos ko siyang hintayin ng 2 hours, ibibigay ko lang agad yung diary? Ayoko pa. Mamaya na kapag matagal na kaming nagkasama---

“Mhezra, sige na. Ano ba kasi yun? Alam mo hindi rin ako pwedeng magtagal eh.”

Ha? Aalis din siya agad?

Ngumiti ako sa kanya ng tipid sabay kuha nung diary na nasa tabi ko, iniabot ko na sa kanya pero nanatili akong nakahawak dun sa diary kahit na nahawakan na niya.

“Ano to?”-Yeol.

“D-Diary ni Ate Shim...”

Bigla kong naalala yung pangongonsensya ng kaklase ni Ate kanina, at speaking... nandun lang siya sa di kalayuan ng table namin ni Yeol at alam kong nakamasid siya. Ano bang problema niya?

THE GANGSTER HUNTER [Book 1 completed]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang