MISSION 48.2: LET ME SPEAK WHAT I FEEL

2.8K 51 6
                                    

Dedicated uli kay Unnie Mich hahahaha lab u unnie <3

Shim's POV

Lumabas ako ng building ng tirahan ni Paige na habol ang hininga ko. Buti na lang hindi na niya ako hinabol. Ayoko na. Kumikirot na naman yung sugat ko. Kung nagkataon patay na ako.

Pero bakit ganun... Mukhang wala siyang kaalam alam kung saan ko nakuha ang sugat na to. Hindi niya pa ba alam na ako ang matagal ng kaaway na gusto niyang patayin? Tapos yung sinabi niya kanina... Nabibingi lang ba ako o talagang sinabi niya yun?

Mahal niya raw ako... Pero di ko alam kung dapat ko ba yung ikatuwa. Wala namang mangyayari kahit pareho pa kami ng nararamdaman. Pangarap na lang talaga yung sa amin.

Nang malayo na talaga ako... Kinuha ko ang cellphone ko at sinubukang tawagan si Chadburn. Pero hindi ko siya ma-contact. Ilang beses ko pa siyang tinawagan pero hindi talaga sumasagot.

Akala ko ba lagi siyang nandiyan kapag kailangan ko siya? Nasaan siya ngayon? Punta kaya ako sa condo niya? At yun nga ang ginawa ko.

Nang makarating ako sa condo niya. Ilang beses kong pinindot yung door bell pero wala namang nagbubukas sa kin ng pinto.

"Nasaan ka ba Chadburn?" tanong ko at naiinis na. Napasandal na lang ako dun sa pinto ng unit niya at napatingin naman uli sa sugat ko. Kailangan ko na pala uli tong gamutin... Hanggang sa mamalayan kong nakaharap nga pala ako ngayon sa unit naman ni Aerich...

Nandiyan kaya siya? Sinubukan kong humakbang palapit sa pinto ng unit ni Aerich. Hinawakan ko rin yung door knob. Nagulat na lang ako nang malamang bukas yun.

"Bakit bukas to?" tanong ko sa sarili ko, naibuka ko na rin ng bahagya yung pinto. Papasok ba ako? Hindi naman siguro siya magagalit kung papasok ako diba? Dati nga labas pasok lang ako sa bahay nila eh. Ang kapal ng mukha ko.

"Aerich?" tawag ko nang makapasok na sa loob. Inilibot ko pa ang paningin ko. Ang simple ng buong lugar niya. Kakaunti lang din yung mga gamit. Napakaluwag ng sala niya. Dito rin ba nakatira Mama at Papa niya? Para kasing mag-isa lang siya dito dahil sa ayos ng lugar. "Aerich?" tawag ko uli nang wala na namang sumasagot. Wala ba siya dito? Bakit nakabukas yung pinto?

Napadako ang tingin ko dun sa isang pinto. Kuwarto? Lumapit ako doon at hindi na naman naka-lock ang door knob. "Nandito kaya siya?" nami-miss ko na si Aerich... Gusto ko na siya uling makakwentuhan at makasama. "Aerich..."

Binuksan ko yung pinto at doon ay nakita ko siya... Si Aerich na namamaluktot sa kama at nanginginig. Omo...

THE GANGSTER HUNTER [Book 1 completed]Where stories live. Discover now