MISSION 50: WHAT DO YOU EXPECT ME TO DO?

2.8K 59 15
                                    

 Dedicated to you! Thanks for reading chingu ^^

Paige's POV

I lock the door. I leave her sleeping... I guess? O ginawa niya lang yun dahil ayaw niya talaga akong kausapin. Fine. Mahaba pa ang mga araw, sa ngayon may kailangan akong gawin.

Nakaharap ako ngayon sa elevator at hinihintay yung bumukas. Nung bumukas na, dalawang babae ang nakita ko. Napatulala sila sa kin hanggang sa makalabas na sila ng elevator. Nalihis lang sila ng tingin nung naglalakad na sila papunta siguro sa kuwarto nila. Sinundan ko sila ng tingin pero mas nakakuha ng atensyon ko yung isang bag na dala nung isa na bukas at may nakikita akong ilang damit. I smirk.

Nagbago na isip ko. Ayoko na maghanap ng pagbibilhan, nakakatamad. Nakakapagod. Hindi na ako pumasok sa elevator. Sinundan ko na lang yung dalawang babae. Nakita kong nilapag nila yung mga dala-dala nila habang binubuksan yung pinto. Pagkakataon ko na.

Woosh~

Para akong isang hangin na dumaan at kinuha yung bag.

"May naramdaman ka bang hangin?"

"Walang pagdadaanan ng hangin dito. Baka aircon lang yung naramdaman mo."

Narinig ko pa yung pag uusap nila pero di ko na yun pinansin. Marami naman silang dala. Hindi na niya siguro mapapansin kung kinuha ko tong isa.

Shim's POV

Nagising ako na madilim na sa buong silid. Pinailaw ko yung Lamp na nasa bedside table para lang magulat sa nakita ko.

Nakita ko siya na nakaupo sa kabilang kama at nakatingin sa kin. Nagkatitigan kami pero agad din akong umiwas at bumangon paupo sa kama. Napansin ko ring nakakumot na ako. Hindi naman ako nagkumot kanina ah---- Napabalik ako ng tingin sa kanya. 

"K-Kanina ka pa ba diyan?" tanong ko na nauutal.

"I don't know, ang alam ko lang ay nabigyan ako ng oras na pagmasdan ka habang natutulog."

Napalunok ako. Pero paano niya naman ako mapagmamasdan eh ang dilim dilim kanina. Akala ko pa walang tao paano yung damit niya color coding sa kadiliman. Tss. Pero ayoko na magsalita.

THE GANGSTER HUNTER [Book 1 completed]Where stories live. Discover now