MISSION 43: L IS BACK?

3K 67 8
                                    

HELLO! This chapter is for you^^

Shim’s POV

Nagising ako na napakaliwanag ng buong silid ko. Tapos bigla akong napabangon sa kama sabay tingin sa orasan ko.

8:00 AM

Napanganga ako.  8:00 AM? Omo! 7:00 AM klase ko! feeling ko lumipad na ako patayo sa kama! Nagpa-alarm ako promise. Bakit hindi ako nagising? Dali-dali akong pumasok ng banyo at naligo, di ko na masyadong tinagalan, tapos tiningnan ko yung cellphone ko. Okay walang tumatawag.

Kahit si Paige hindi man lang ako tinawagan. Anong meron dun? Di man lang ba siya nagtaka na 8:00 AM na wala pa ako sa school?

“Mama alis na ako!”

“Uy Shimmy, bakit ngayon ka lang nagising? Late ka—“

“Kaya nga po aalis na ako eh!”

“Ah? Edi sige babye, I love you take care!”-Mama, sabay balik sa kusina.

Ako naman tinakbo na palabas ng bahay namin. Wala pa pala akong kain pero mamaya na lang siguro yun. Pagbukas ko ng gate, sakto naman na may lalaking bumaba mula sa isang kotse at nagtanggal ng shades.

O.O

“S-Sungyeol?” pagkilala ko sa kanya.

Tipid siyang ngumiti sabay bukas nung pinto ng passenger seat. “Hop in.”

Nagulat ako sa sinabi niya. “Bakit?” tapos napaatras ako.

“You’re late.”

“Malapit lang school ko no—“

“Kung sasakay ka sa kotse ko ilang saglit lang nasa school ka na, kung sasakay ka pa ng kung ano mang sakayan diyan mas matatagalan ka pa.”

Iniipit ba ako nito ni Sungyeol? Pero may point siya dun sa sinasabi niya…

“Ano? Tatayo ka na lang ba basta diyan? Hindi ka naman sanay na nalelate diba? It would ruin your image as a good student.”

“Wala ka namang ibang binabalak na gawin diba?”

Muli na namang ngumiti si Sungyeol. “Why? Do you sense something?”

“Ha—“

“Nah. Just hop in okay? Ihahatid lang kita promise.” Tapos bigla siyang nag-wink.

Tatanggi pa sana ako pero gusto ko rin agad na makapunta ng school kaya napilitan akong sumakay sa kotse ni Sungyeol. Bahala na kapag may ginawa siyang iba, lagot siya kay Paige--- bakit nasama si Paige?

THE GANGSTER HUNTER [Book 1 completed]Where stories live. Discover now