MISSION 68: LET'S END THIS (Part 2)

1.7K 48 20
                                    

Ngayon palang din sinasabi ko uli... curse me now, haha! anyway sorry for the long chapter

----------------------------------

Gangster World 11:30 PM

Shim’s POV

Naglalakad ako sa lugar na matagal ko ng hindi tinapakan. Hindi sa lahat ng oras pwede ko silang ipagsawalang bahala na lang, nandito na ako. Siguro... kailangan ko na rin talagang tapusin to, bakit nga ba ako naging gangster? Bakit nga ba ako nagsuot ng maskara?

Simple lang naman ang sagot... lahat ng to hindi ko ginusto, napilitan lang ako para palitan ang papa ko. Nagsuot ako ng maskara para walang makakilala sa kin. Para hindi mabahiran ang reputasyon ko sa school, para magkaroon pa rin ako ng hiwalay na buhay bilang si Shim.

Sinabihan ko si Chadburn na pupunta ako, pinauna niya na lang ako. Mukhang meron siyang ibang pinagkakaabalahan—napahawak na naman ako sa dibdib ko, kanina pa ako pinaninikipan ng dibdib. Ang hirap huminga.

“Invisible Queen.”

Narinig kong may tumawag sa kin, namalayan ko na lang nandun na pala ako sa harap ng Main Lord at sa harap ng mga league leaders na nakapaikot sa kanya.

Tiningnan ko ang Main Lord, parang ang laki ng ipinayat niya. tiningnan ko si Lady Poisonous na nandun na... ang ganda ng ngiti niya sa kin.

“Nandito na ba ang lahat?”-Main Lord

“Magandang gabi sa inyong lahat.” Nakita namin ang kadarating palang na si King Cobra. May benda siya sa braso.

“Wala na ba—“

“Sandali lang.” Dumating na rin si Jerry the Reaper, tiningnan niya rin ako. Sa ginawa niyang yun naalala ko yung sinabi ni Aerich.

Traidor... Jerry.

“Nasaan si Big Harry—“

“I don’t think a traitor should be here Main Lord.” Biglang sabi ni Jerry at may iniabot sa Main Lord.

“Ano to—“

“Watch it.”-Jerry the Reaper.

Isang video ang dinala niya sa amin, isinalang nila iyon sa malaking computer monitor. Ilang saglit pa ay nakita namin sa video si Big Harry na nakaupo. Diretso ang tingin niya sa screen.

“Kumusta Main Lord? Kumusta kayong lahat? Gusto ko sana kayong surpresahin pero mas maigi na sigurong malaman niyo bago ang malaking laban, ako si Big Harry ah hindi... ako ang Main Hunter na inakala niyong kakampi---“

“SANDALI!” nagulat kami nung biglang patayin ng Main Lord ang pinapanuod at pabagsak na ibinaba ang kamao niya sa lamesa. “Anong ibig sabihin nito?” tiningnan niya kaming lahat.

THE GANGSTER HUNTER [Book 1 completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon