MISSION 7: THE ACT OF FOLLOWING

5K 102 8
                                    

Shim’s POV

Uwian na, nag-aabang na ko dito kung kailan lalabas si Paige. Buti na lang may dala akong bike, kaso nakakainis lang dahil motorbike ang dala niya! Ayun na nakikita ko na siya na lumabas sakay ng mabilis niyang motorbike! >.< badtrip naman. Lagyan ko nga ng booster tong bike ko para mahabol ko siya.

Ang bilis niya magpatakbo! Di man lang ako makahabol. Ayoko na nga, uuwi na lang ako. Saka ko na siya hahabulin kapag may motorbike na rin ako.

Pag-uwi ko…

~ Ildeo hagi ileun gwiyomi, ideo hagi ineun gwiyomi
Samdeo hagi sameun gwiyomi, gwigwi gwiyomi gwigwi gwiyomi
Sadeo hagi sado gwiyomi, odeo hagi odo gwiyomi
Yukdeo hagi yugeun jjokjjokjjokjjokjjokjjok gwiyomi nan gwiyomi…

 

 

Napa-pout ako pag-uwi ko ng marinig ko ang kantang yun.  Pinapatugtog na naman ng…

“Oh anak nandiyan ka na pala!”

Pinapatugtog na naman ng nanay ko.

“Ma, ano na naman ginagawa niyo?” tanong ko, naabutan ko pa siyang nasa harap ng computer at may kung anong ginagawa sa webcam.

“Wag ka magulo, gumagawa ako ng version ko ng gwiyomi.”

-__-

“Ma! Pati ba naman kayo nakikiuso na?”

“Naman Shimmy! Nag-upload na kasi ng version nila ng gwiyomi yung mga friends ko papahuli ba naman ang Mama mo? Hala sige doon ka na, uulit na naman tuloy ako dumating ka eh.”

Sinisi pa ko. Grabe tong nanay ko, sa halip na patanda naging pabata. Hinayaan ko na lang dumiretso ako sa kusina. Nagugutom na ko. Ang kaso lang…

“Ma! Bakit walang pagkain?” bumalik ako sa sala kung nasaan nandun siya at abalang-abala na naman sa paggi-gwiyomi!

“Ha wala ba? Baka naubos na ng kapatid mo, bili ka na lang!”

“Ano ba yan tinatamad na ko lumabas, wala bang maluluto sa ref?”

THE GANGSTER HUNTER [Book 1 completed]Where stories live. Discover now