MISSION 63: PLEASE DON'T LEAVE ME

2.2K 66 117
                                    

Pinaiyak mo kasi ako sa Test of True Love, gantihan lang yan, jok. For you chingu kishie  :))

Shim’s POV

Sabado ngayon kaya nandito pa ako sa kwarto ko nakahilata. Nakatingin sa poster niya. Narinig kong nag-ring yung cellphone ko kaya napabangon ako at agad na kinuha. Expect ko ng si Paige ang tumatawag, at di ako nagkamali na siya nga pero kahit na ganun... nagulat pa rin ako, aga niya kasing tumawag.

“Oh?” tanong ko agad.

[Good morning] sabi niya sa kabilang linya.

Wow ayos to ah, may patawag-tawag na para mag-goodmorning.

Humiga ulit ako sa kama, hawak-hawak yung cellphone na nakadikit sa tenga ko.

“Aga mong tumawag para lumandi ah.” Biro ko.

[Paglalandi na ba yung pagsasabi ng Good morning?]

“In your case, Oo.” Sabi ko pa, pero sige na nakakakilig ang ginawa niya. Hindi ko alam na magiging ganyan siya ka-sweet.

[Tss. Bumangon ka na lang diyan] sabi niya maya-maya.

Muli naman akong napaupo sa kama ko dahil sa sinabi niya.

“Teka alam mong nakahiga pa ako?” tanong ko at nilibot ang tingin sa buong kwarto ko baka kasi nandito siya, lihim na nakapasok. Wala namang imposible sa kanya.

[Yes I know, sinabi ng Mama mo]

Nagulat naman uli ako. “Paano sinabi sayo ng Mama ko? Unless---“

[Nandito ako sa bahay niyo kaya bilisan mo, bumaba ka na]

Ano raw? Sa sinabi niyang yun tuluyan na talaga akong napabangon. NANDITO RAW SIYA SA BAHAY? Agad akong lumabas ng kwarto at nagdire-diretso pababa. Doon nakita ko siya sa may sala na nakatayo at mukhang abang na abang na sa pagbaba ko.

“PAIGE?!”

“Hi Shim.” Sabi niya at binaba ang cellphone niya tapos ngumiti sa kin ng napakatamis.

Teka naguluhan ako bigla.

“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko imbis na suklian yung ngiti niya, aga niya kaya 7 AM palang!

“Ahm, sinusundo kita?”-Paige, mukhang di pa sigurado sa sinasabi niya.

“Anong meron?” tanong ko uli pero di ako lumalapit sa kanya mga may limang hakbang pa siguro ang pagitan namin. Eh kasi naman no... di pa ako nagmumumog.

“Diba may date tayo?” sabi niya.

“HA?” gulantang ako doon ah. “Hoy wala tayong date.”

THE GANGSTER HUNTER [Book 1 completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon