MISSION 12: SHE IS INVISIBLE QUEEN

4.5K 91 12
                                    

 As promise, dedicated sau! hindi ko nakalimutan XD enjoy reading tnx for supporting! :))

Shim’s POV

Ang sakit ng braso ko, ang sakit ng binti ko. Ang dami kong galos. Tumigil na ako sa pagtakbo nang maramdaman kong malayo na ako. Hindi niya na naman na siguro ako susundan. Hindi ko na kaya, ayoko na siyang makalaban lalo pa ngayon na isang hinala ang patuloy na bumubuo sa isip ko. Infinite… hunters. Di kaya? Pero paano? Bakit mangyayari yun? yung mga idol ko… wag naman sana sila ang mga kalaban naming hunters. Hindi ko kaya, pero baka kamukha lang? ewan ko… kailangan ko pang siguraduhin. Kahit hindi na matuloy ang concert nila dito sa Pilipinas wag lamang sila ang ikinakatakot kong maging . Napakakumplikado na nga ng mundong ginagalawan ko, naging mas kumplikado pa dahil dito. Bakit ba kasi ako naging si Invisible Queen? Sana pala nanantili na lamang akong normal higschool girl, ultimate fan ng KPOP, mag-abang ng mga updates tungkol sa mga bias ko, mag-day dream na someday makakapunta ako ng Korea at papakasalan ako ni Myungsoo … sana ganun na lang pala nang hindi ko nararanasan to.

Pero kung hindi rin naman ako naging gangster… hindi ko mararanasan ang lahat ng excitement na meron sa mundong pinasok ko. Pero iba na ngayon, nagiging delikado na ang sitwasyon. Siguro dapat umiwas muna ako sa gangster world. Pangatawanan ko ang pagiging si Invisible Queen. Misteryosa, at laging wala.

“Nakakainis, nakakainis!” napasipa ako sa hangin nang maupo ako sa nakita kong bench malapit sa subdivision namin. Bakit kailangan kong pagdaanan to?

“Wag mong ibunton ang galit mo sa pagsipa sa hangin. Ito oh!” nagulat ako nang biglang may magsalita at may candy cane lollipop na bumalandra sa harapan ko. napatingin ako sa nagbigay nun.

“Sino ka?” tanong ko at napatayo, baka kalaban na naman to. Pero mukhang hindi naman. Sadyang hindi ko lang makita ang mukha niya dahil sa nakasumbrero na siya nakasuot pa ang hood ng jacket niya at madilim pa sa kinaroroonan namin ngayon.

Lumapit siya sa kin. Napaatras tuloy ako, napatigil din siya pero patuloy siyang lumapit sa kin at walang sere-seremonyang inabot ang kamay ko sabay lagay ng lollipop doon.

“Kung naiinis ka, kumain ka lang ng matamis… mawawala na yan kahit saglit.”

Nagulat ako sa sinabi  niya. sinubukan kong tingnan ang mukha niya pero hindi ko talaga makita. Lumalabo na nga siguro ang paningin ko.

“Sino ka ba---“

“Goodnight Shim.”

Huh? Kilala niya ko?

Magtatanong pa sana ako pero bigla niya akong nilagpasan tsaka naglakad palayo.

THE GANGSTER HUNTER [Book 1 completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon