MISSION 16: BECAUSE YOU KNOW ME

4.2K 82 40
                                    

Dedicated sayoo!!!! As promise! salamat din sa pagbabasa! :D

Shim’s POV

Si Andie na ang nakasama kong mag-lunch tutal pareho na naman kaming nasa canteen. Ang dami niya talagang kwento sa kin, gusto ko na tuloy maniwala talaga na fiancée nga siya ni Woohyun. Ang swerte niya naman.

“Bakit nandito ka sa school namin kung si Woohyun naman pala dahilan ng pagpunta mo dito sa Pilipinas?” tanong ko habang pabalik kami ng room.

“Ha? Eh… wala trip ko lang haha! Ayoko rin naman kasing puro paghahanap lang kay Namu ang atupagin ko… alam mo na distraction para di ako masyadong malungkot sa pagkawala niya. Tsaka isang buwan lang naman ako dito, pag di ko siya nahanap babalik na ako kaya isipin mo na lang na guest student lang ako sa school na to! Pumayag lang sa kalokohan ko ang Principal dito! Buti nga eh.”

Guest student? Meron pala nun?

Tumango ako. Bakit ba kasi nandito “raw” sila sa Pilipinas?

“Paano mo naman nalamaan na nandito si Woohyun sa Pilipinas ha?” tanong ko uli.

“Dahil sa concert dapat nila dito.”

Napatingin ako sa kanya. Gusto niya bang sabihin sa kin na kaya pala hindi matutuloy talaga ang concert nila dito ay…

“Di na nga tuloy yun! mali ka lang siguro ng napuntahang lugar.” Eh ayoko pa ring maniwala na nawawala sila eh! buo na yung sagot sa utak ko eh! magkamukha at magkapangalan lang ang mga hunters at Infinite pero dumating lang tong si Andie nagulo na naman! Haiiish!

“Maniwala ka Classmate, nawawala talaga sila at malakas ang kutob ko na nadito talaga sila. Di ka ba naniniwala sa kapangyarihan ng pag-ibig?”

Napatingin na naman ako sa kanya. “Ang lalim mong magtagalog ah, parang hindi ka half korean.”

“Haha! Eh tagalog kasi kami magsalita sa bahay kahit ang papa ko napapag-tagalog namin at dahil yun sa mama kong Filipina! Oh diba ang lakas talaga ng kapangyarihan ng pag-ibig classmate!”

Eh?

“Bakit ka ba classmate ng classmate eh may pangalan naman ako?” oh diba ang layo na ng sinabi ko sa sinabi niya.

THE GANGSTER HUNTER [Book 1 completed]Where stories live. Discover now