MISSION 51.1: YOU CAN'T HIDE IT FOREVER

2.6K 57 19
                                    

Dedicated to you :) Thanks for reading.

This chapter will focus more about Angel

Angel’s POV

Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ni Hoya, basta sumusunod lang ako kung san man niya balak pumunta. Hanggang sa mapunta kami sa isang kainan. Ha?

Tiningnan ko siya. Magsasalita sana ako nang bigla niya naman akong hinila papasok sa loob. Dire-diretso siyang umupo at iniwan akong nakatayo.

“What?” tanong niya pa sa kin at inangatan ako ng tingin nang hindi pa rin ako natitinag mula sa pagkakatayo.

“H-Ha?”

“Wag mo sabihin sa kin na tatayo ka lang diyan buong magdamag.”

Sa sinabi niyang yun ay dali-dali kong hinila yung upuan para makaupo ako. Para akong napahiya. Ano bang ini-expect ko? Na ipaghihila niya ako ng upuan? Tss. What’s on your mind Angel.

“Nagugutom na pala ako, gusto kong kumain.” Ani Hoya sabay tingin dun sa Menu.

So hinila niya lang ako para magpasamang kumain? Na naman? Parang ganito rin nung nakaraan. Nakatingin lang ako sa kanya hanggang sa matawag niya yung waiter at masabi ang order niya, tapos binalikan niya ako ng tingin.

“Kanina mo pa ako tinititigan, may mali ba sa kin?”

Mabilis akong napailing sa tanong niya.

“Tss. I expect you to say something.”

“Hm?” yun lang ang nasabi ko, ano namang sasabihin ko sa kanya?

“Hindi mo talaga sasabihin?”-Hoya.

“Wala naman akong dapat sabihin sayo ah.” Giit ko.

Biglang parang asar ang naging ekspresyon niya.

“You are sup—“

“Here’s your order Sir.”

Natigil siya sa pagsasalita nang kung ano man ang gusto niyang sabihin nang dumating na yung sandamukal niyang order. Ayoko pa sanang maniwala na kanya lahat yun pero nilagay lahat sa table namin eh.

Teka, nag-order din ba siya para sa kin? Taka ko siyang tiningnan.

“Kung iniisip mo na ipinag-order din kita, maling-mali ka dahil sa kin lang lahat to.” Aniya na parang nabasa ang iniisip ko.

THE GANGSTER HUNTER [Book 1 completed]Where stories live. Discover now