MISSION 6: DEVIOUS, CAT'S EYE AND THOUSAND HANDS

5.1K 95 8
                                    

West Field College

Lavinia’s POV

“Paharang-harang naman oh! Ano ba hindi ka ba tatabi?”

“S-Sorry Miss Lavinia.”

Napairap ako sa nerd na nakaharang sa daan ko. Kung wala lang ako dito sa loob ng school kanina ko pa nasipa to. Kaso palabas na naman ako eh so siguro pwede na? I smirk.

“Hoy nerd balik ka dito.”

“Ah ako Miss Lavinia?”

“Nagtatanong ka pa? sino pa bang gusgusing nerd ang nasa harap ko diba ikaw lang?”

Mukhang natakot naman siya kaya agad siyang lumapit sa kin.

“A-Ano yun Miss Lavinia?”

Ngumiti lang ako sa kanya at inikutan siya. May gusto akong i-try. Nang maka-isang ikot ako ay tumigil ako sa likuran niya.

“Wag kang lilingon kundi patay ka sa kin.” Banta ko.

“Ah M-Miss Lavinia…” ramdam ko ang panginginig niya.  What a weak creature!

“Alam mo, guwapo ka naman sana eh… baduy ka lang, para kang di nabahiran ng modern world… naiwan ka sa panahon ng lolo mong nakabahag!” sabi ko sabay… “Touch of Death!”

BUGS!

Sablay. Ang tagal ko na talagang di nakakabisita sa Blocks ng Gangster World dahil sa mga hunters na yan.

“Aaaah M-Miss Lavinia!”

Napaigik siya sabay ng pagbagsak sa lupa dahil sa ginawa ko. Duh!!! Hindi pa nga siya namatay! Para ko lang siyang tinulak gamit ng palad ko mula sa likuran niya. OA.

“Hoy ang OA mong nerd ka! kulang pa yan, next time wag kang haharang-harang!” bumira pa ko ng isang sipa sa kanya bago tuluyang lumabas ng school. Buti wala pang ganung estudyante ang palabas at buti rin busy na naman yung baboy na guard sa pagtulog.

THE GANGSTER HUNTER [Book 1 completed]Where stories live. Discover now