MISSION 65: SEE YOU IN THE BATTEFIELD

1.8K 52 25
                                    

L’s POV

Wala naman talaga akong balak na makita siya, hindi ko lang talaga napigilan. Sinabi ko ring makakalimutan ko na siya bukas, yun ay dahil... sa kagustuhan kong mawala na siya ng tuluyan sa isip ko at hindi na maging distraction pa kaya naman tulad ng prosesong isinagawa kay Woohyun... dadaan din ako dun, nung una ay ayaw pumayag ng Main Hunter dahil para siyang may kung anong kinatatakutan pero nag insist ako at ang gusto ko ang masusunod, buhay ko to at may karapatan akong magdesisyon.

Tinungo ko ang daan papunta sa opisina niya. Hawak ko na ang door knob at bubuksan na sana ang pinto nung di ako tumuloy. Nasa likod lang ako ng pinto, narinig ko kasing nagdadabog na naman ang Main Hunter.

“ASAN NA BA YUN? AAAHH!!!!” sigaw niya pa na lalong ikinataka ko at napagdesisyunang hindi na pumasok kundi makinig na lang kung ano ba ang ikinagagalit niya, kanina pa siya ganyan na may kung anong hinahanap.

“Ah, alam ko na, ha... haha! Pinapatawa ako ng babaeng yun.” Sabi niya pa, sino ang tinutukoy niya? Sumilip ako ng kaunti. Nakita ko siyang may tinatawagan. “Nasaan si Sungyeol? Sabihin niyo sa kanya na kapag hindi niya nakuha ang babaeng yun bukas na bukas din ang kamatayan niya!”

Nagulat ako sa sinabi niya. Pero hindi pa pala dun natatapos.

“Pesteng babae yun, kinuha niya ang mahalagang bagay na pinakatatago ko! Nasaan na ang notebook na yun! Ah!!”

Sinara ko yung pinto ng dahan-dahan nung makita ko siyang may ibinato na naman. Si Mhezra, si Mhezra ang siguradong tinutukoy niya. Naalala ko na naman si Shim, wala siyang alam na nasa kapahamakan na ang kapatid niya. Ano ba kasing ginawa dito ni Mhezra at ano ang mahalagang bagay na kinuha niya sa Main Hunter?

Nasaan kaya si Sungyeol? Kailangan ko siyang balaan. Pumunta ako sa mga silid kung saan maari siyang nandun. Pero hindi ko naman siya nakita kaya naisip ko na lang na tawagan siya.

“Sungyeol.”

[Problema mo?] bungad niyang tanong.

“You and Mhezra, you’re both in trouble.” Hindi ko alam kung bakit ko sila binabalaan.

[What?]

“I said you’re both in trouble! Listen, kahit na madala mo pa si Mhezra sa Main Hunter hindi ka pa rin ligtas. Mhezra got something very important from the Main Hunter! At dahil ikaw ang nagpatakas sa kanya, hindi ko lang alam kung sisikatan ka pa ng araw.”

Matagal bago siya nagsalita.

[L, is this some kind of a joke? Hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo. Ang pagpunta ni Mhezra sa Hunter Headquarters, hindi ko alam kung bakit niya ginawa yun pero---]

“Kaya nga kailangan mong malaman kung ano yun! And if you care for her don’t bring her here!”

[Ano ba talagang gusto mong sabihin?]

“You protect Mhezra, it’s the best thing you can do rather than going back here and get killed”

THE GANGSTER HUNTER [Book 1 completed]Where stories live. Discover now