MISSIION 53: TWISTED EVENTS

2.4K 53 18
                                    

 Hello! This chapter is for you ^^

Shim’s POV

“Bakit tayo bumalik dito?”

Yan ang tanong sa kin ni Paige nang makabalik na kami sa loob ng kwarto. Bumitaw pa siya sa pagkakahawak sa kamay ko at naupo dun sa pinakamalapit na sofa. Taka naman akong lumapit sa kanya at tumayo lang sa harap niya.

“Ano ulit yung tanong mo?” sabi ko.

Nag-angat siya ng tingin.

“Tss. Sabi ko bakit tayo bumalik dito?”

Hindi ko alam kung galit ba siya o normal mode lang. Pero napaiwas ako ng tingin dahil dun sa tanong niya na yun ah. Anong idadahilan ko?

“Shim uso umupo.”

“H-Ha?” napabalik ako ng tingin sa kanya.

Nag-frown siya. “Sabi ko uso umupo—“

“Oo nga narinig ko yun. Unli naman to.” Putol ko sa sinasabi niya sabay upo sa katapat niyang upuan.

“Tss. Ayan, nakakangalay kang tingilain eh.”-Paige.

Sinamaan ko lang siya ng tingin, nakipagtitigan din siya sa kin pero sandali lang. Nag-iwas siya ng tingin, yung dahil... nailang? Hay ewan.

“Akala ko ba aalis ka?” maya-maya’y sabi niya. Natigilan na naman ako.

“Ha? Ano...”

Dumiretso siya ng tingin sa kin lalo tuloy umurong ang dila ko.

“What?”-Paige.

Ako naman ang nag-iwas ng tingin. “S-Sino ba kasi nagsabi na aalis ako? Di kaya ako aalis.”

“PINAGLOLOLOKO MO BA KO?”

“HINDI AH!” singhal ko rin sa kanya tapos nag-iwas na naman ng tingin, ayoko makipag eye to eye contact baka---

“Why don’t you look at me?”

“Bakit?” balik tanong ko nang di pa rin siya tinitingnan.

THE GANGSTER HUNTER [Book 1 completed]Where stories live. Discover now