MISSION 69: LET'S END THIS (Part 3)

1.8K 59 27
                                    

Dedicated to unnie Gelarina because I want hahaha! hello unnie para sayo kasi you're so adorable XD PS: Di ko alam reaction niyo dito but swear no tissues haha! long chapter again mianhe~

---------------------------------------------

Pinilit na lumapit ni Shim sa kaibigan, kinabahan siya akala niya ay napaano na ito. Medyo nakahinga siya ng maluwag nang makitang nadaplisan lamang ito ng espadang hawak ni L. Ngunit mukhang malalim pa rin ang sugat na iyon kahit na sa braso lang.

“AERICH BILIS TAYO!” hinila niya ito patayo upang ilayo kay L pero hindi pa man ito lubusang nakakabangon ay umatake na naman si L!

“UH!” sinunggaban niya ito bago pa man uli makapanakit ang hawak nitong espada.

“BAKIT KA BA KASI NANDITO AERICH! HINDI KA DAPAT NASA LUGAR NA TO—“

“IKAW ANG SINABIHAN KONG WAG PUMUNTA!”

“KAILAN PA TUMIGAS ANG ULO MO?!”

“PWEDE BANG WAG NA TAYO MAGTALO? PAIKUTAN MO SI L!”

Nais pang kumontra ni Shim sa sinasabi ni Aerich, nag-aalala siya sa natamo na nitong sugat pero ilang saglit pa ay sinunod niya rin ang sinabi nito.

“Tandaan mo Shim, kapag sa kin nakasentro ang atensyon niya umatake ka. Kapag sayo naman ako ang aatake nakuha mo?”

“Wag mo akong sabihan ng dapat gawin!” asik ni Shim, pinipilit na magmukhang malakas kahit na ang totoo ay kanina pa siya nahihirapan.

Di rin nagtagal ay pinagigitnaan na nila si L, tulad ng nakikita niya kanina sa mga mata nito... anumang oras ay nakahanda itong pumatay ng walang pag-aalinlangan. Ngunit tuwing napapatingin din siya sa mga matang yun... lagi siyang nag-aalinlangan kung dapat niya ba itong labanan. Hindi dapat ganito, ika niya sa isip.

Hanggang sa tumuon lamang sa kanya ang tingin nito, para na namang naging slow motion ang lahat sa kanya.

“AH!!!!!!”

Nagulat na lang siya nang makitang sumugod si Aerich mula sa likod nito, nabitawan nito ang espada at napahiga sa semento na siya namang ginawang paraan ni Aerich para muling umatake at paulanan ito ng magkakasunod na suntok sa mukha!

“AERICH!” sigaw ni Shim, masyadong mabilis ang mga pangyayari ngunit lubhang malakas si L at nasalag ang dapat ay ipapaulan na naman sa kanyang atake pagkatapos ay marahas na tinanggal ang suot na maskara ni Aerich at malakas itong tinulak mula sa pagkakadagan sa kanya!

“ANO BANG GINAGAWA MO? WAG KA LANG TUMUNGANGA DIYAN!” sigaw ni Aerich patuon kay Shim na nananatiling nakatayo at nakatingin lang sa nangyayari.

“Do you really think you can surpass Invisible Queen’s actions? A faker will always be a faker!” saad ni L kay Aerich pagkatapos ay marahas nitong binalingan ng tingin si Shim, ang tunay na Invisible Queen.

THE GANGSTER HUNTER [Book 1 completed]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin