MISSION 42: UNEXPECTED HAPPENINGS

2.9K 63 6
                                    

HELLO TO YOU! Dedicated sayo salamat sa pagbabasa unnie  

(。◕‿‿◕。)

Shim's POV

Inayos ko yung pagkakasuot ng sumbrero ko bago pindutin yung door bell sa condo unit ni Chadburn. Nakakaisang pindot pa lang ako ay agad ng bumukas yung pinto.

"Invisible Queen?"

Nakita kong naka-apron pa siya nang pagbuksan ako ng pinto. Nagulat pa ata siya nang makitang nandun ako.

"P-Pwede pumasok?" nauutal akong kausapin siya kasi naman kakakita ko lang sa kanya kanina!

Bigla siyang ngumiti. "Sure pasok ka, alam mo namang bukas na bukas ang bahay ko para sayo." Tapos binuksan niya pa ng malaki yung pinto para makapasok ako.

"Nagluluto ka?" tanong ko nang may maamoy akong mabango galing sa kusina.

"Yes, kumain ka na ba? Saluhan mo na lang ako."-Chadburn, sabay balik dun sa kusina. Sinundan ko naman siya para makita kung ano niluluto niya. 

"Marunong ka pala magluto." sabi ko sabay upo dun sa may upuan sa may kitchen island at ayos nung sumbrero ko.

"Bakit nakasumbrero ka na naman? Dapat nagmaskara ka para di ko talaga makita yang mukha mo."

Napatingin ako uli kay Chadburn nang sabihin niya yun.

"Tinatamad akong magmaskara eh, tsaka safe naman ako sayo diba?"

"Tss. Ikaw tinamad? Bahala ka nga diyan basta kapag nakita ko yang mukha mo dahil diyan sa katamaran mo walang sisihan ah?"-Chadburn, sabay balik dun sa niluluto niya. "Alam mo kanina may nakita akong pwede mong maging kahawig kapag nakita ko na ang mukha mo."

Nang sabihin niya yun nanlaki mata ko. Hindi rin ako nakakibo. Nilingon niya tuloy ako.

"Wala ka man lang reaksyon? Di ako sigurado ah, pakiramdam ko lang naman."

"Ah ganun ba." yun lang sinagot ko baka may iba pa akong masabi eh.

"Tss. Ganda rin ng reaksyon mo eh no? Wag ka mag-alala mas maganda ka naman siguro dun."

Ako kaya yun -_-

"Okay na to, ipe-plate ko na."-Chadburn, sabay punta dun sa cabinet kung saan ata nakalagay yung mga plato.

Napatayo ako nang may maalala. "Kailangan mo ng tulong?" tanong ko, inaabot niya kasi yung plato eh nahihirapan ata siya kasi nga di pa magaling yung sugat niya.

THE GANGSTER HUNTER [Book 1 completed]Where stories live. Discover now