MISSION 66: GIVE ME ANSWERS

1.8K 46 22
                                    

12 hours ago...

 

Natutulog at nagpapahinga si L sa isa sa mga silid ng hunter headquarters nang gisingin siya ng isa sa mga kasamahan niyang hunter.

 

“WHAT?” iritang tanong niya nang maalimpungatan, ayaw niya sa lahat ng istorbo.

 

“Pinapatawag ka ng Main Hunter pasensya na—“

 

“TABI!” halos itulak niya patabi ang gumising sa kanya sabay tayo. Ano na naman kaya ang kailangan sa kanya ngayon ng Main Hunter? Tanong niya sa isip.

 

Mabilis siyang nakarating sa opisina ng Main Hunter, nainis siya nung makita na naman ito na nakasuot ng kapang natatakpan ang mukha. Ito ba ang sinusunod nila? Isang taong ayaw magpakita ng mukha.

 

“L.” Tawag nito sa kanya.

 

L’s POV

 

“Ano na naman bang problema mo?”

 

Nakita ko ang pagngisi niya senyales na may plano na naman siya.

 

“May gusto lang akong ibigay sayo.” Sabi niya at iniabot sa kin yung notebook na ibinigay ko sa kanya kanina. “Sa tingin ko hindi ako ang dapat na pinagbigyan ni Sungyeol niyan, kundi ikaw.”

 

“Ano namang gagawin ko dito?”

 

Tumayo siya at nagsimulang maglakad sa harap ko.

 

“Ano kaya kung malaman mo na ngayon ang totoo? Para mas exciting sa mismong laban.”

 

“Hindi kita maintindihan.” Sabi ko at tiningnan ang notebook na nasa kamay ko na ngayon.

 

“Simple lang naman ang gusto kong malaman mo L... paano kung ang babaeng pinrotektahan mo, halos tayaan mo ng buhay mo at minahal mo ay malaman mong... tinatraidor ka?”

 

“Tinutukoy mo ba si Shim?” bakit dinadamay na naman niya dito si Shim?

 

“May iba pa ba L?”

 

“Deretsuhin mo na lang kasi ang dami mo pang sinasabi.”

 

“Sa tingin ko alam ko na kung bakit pumunta dito ang babaeng yun. Akala ba ni Sungyeol makakalusot na siya sa kin kahit na binigay niya sa kin ang notebook na yan? Papatayin ko pa rin siya, sila.”

 

Ngayon naman iniiba niya ang usapan. Ngayon naman ay pumunta siya doon sa mga shelf ng libro at umaktong may hinahanap doon habang patuloy na nagsasalita.

 

“Base sa nabalitaan ko, malapit ang kapatid ni Shim kay Sungyeol... halata naman, hindi naman siya tutulungan ni Sungyeol na makatakas kung wala silang koneksyon. PERO!” bigla niyang hinagis ang ilang libro. “Pumunta dito ang babaeng yun dahil marahil may gusto siyang kunin kay Sungyeol at napunta siya dito sa opisina ko! Mukhang yang notebook na hawak mo ang gusto niyang makuha... pabalik. “

THE GANGSTER HUNTER [Book 1 completed]Where stories live. Discover now