MISSION 15: CLASSMATE

3.9K 80 12
                                    

 Para sayooo!!! Tnx for reading this story :D

Shim’s POV

Ihip-ihip. Please bangs wag kang magulo nagsusulat ako ng lecture sa economics.

“Shim mukha kang ewan diyan ihip ng ihip sa bangs mo, lagyan mo kaya ng clip!”-Aerich.

“Ayoko, makita mo pa noo ko.” hindi kasi ako sanay na walang bangs, kaya hindi ko to nilalagyan ng clip kahit natatakpan na mata ko. Mamaya talaga gugupitan ko to.

“Class stop muna kayo sa pagsusulat.”

Napatigil kami nang magsalita ang adviser namin na siyang teacher namin sa economics. Bakit kami pinatigil? Recitation? La ayoko! Nakakatakot pa naman magpa-recitation yan si Ma’am kahit top student ako nabobobo ako.

“I know, you’ve top on the idiot level.”

 

Tsk! naalala ko yung sinabi ni Paige! Napalingon tuloy ako sa kanya. Ganun din siya sa kin.

“What?”-Paige.

Ningitian ko lang siya. Bahala siya diyan.

“Woo may bagong classmate?”

“La sino?”

“Babae pre!”

Napatigil ako nang marinig ko ang bulungan ng mga kaklase ko. Bagong classmate? Napalingon ako sa may pintuan…may babaeng naka-uniform ng tulad sa amin ang pumasok.

Ha?

“Class may bago kayong kaklase, punta ka dito hija.” Pinapunta ni Ma’am sa gitna yung ‘bago naming kaklase’

Nakangiti siya kaagad sa aming lahat. Mukha siyang naman siyang mabait. Sana nga.

“Magpakilala ka.”

“Anyeonghaseyo! Ako si Andie Park bago niyong classmate.” Yumuko pa siya, nagsalita siya ng korean language ibig sabihin taga Korea siya?

THE GANGSTER HUNTER [Book 1 completed]Where stories live. Discover now