MISSION 21: YOU ARE ALL CONFUSING!

4K 72 6
                                    

Hello there this chapter is for you! tnx for reading ;))

“HAHAHA MAHUHULI KA NA INVISIBLE QUEEN!”

Hindi ako maaring magpahuli. Takbo lang ako ng takbo kahit hindi ko sigurado kung makakatakas pa ba ako! pagod na pagod na akong lumaban. Marami sila, at hindi ko na sila kakayaning mag-isa… lalo pa ngayon, halos ako na lang ang natitira… yung ibang gang league leader, wala na sila.

“INVISIBLE QUEEN!”

Lalo pa silang dumarami! Hanggang kailan ko sila tatakbuhan? Naduduwag na ba ako at natatakot akong harapin sila?Basta hindi maaaring----

Napatigil ako sa pagtakbo nang makita ko siya sa harap ko! Napatigil din ang lahat ng humahabol sa kin.

“L…” Halos pabulong ko na lang na sabihin ang pangalan niya, unti-unti siyang lumalapit sa kin na may nanlilisik na mga mata. Handang-handa na siya na wakasan ang buhay ko.

“This is the end, Invisible Queen.” Patuloy siya sa paglapit habang ako naman ay umaatras.

“HAHAHAHA!”

“KILL HER NOW L!”

“LET HER BLOOD FILL THIS MESSY UNDERGROUND!”

Rinig na rinig ko ang bawat sinasabi ng ibang hunter, lahat sila mukhang nagdiriwang na. Kapag namatay ako… sila na ang mananalo, pero hindi ko yun pwedeng hayaan na mangyari!

“L w-wag mong gawin to…” halos gumaralgal na ang boses ko habang nakatingin sa kanya na wala pa ring ibang ekspresiyon sa mukha bukod sa bakas ng matinding galit.

“I promise to kill you.” Aniya at inihanda ang espada niya na wala pang bahid ng kanino mang dugo. “Nakatakda ang espadang to para lang sa kamatayan mo Invisible Queen, ready?"

“L please…”

“Please what?”

“Wag mong gawin to---“

Napatigil ako nang mabilis siyang kumilos at parang hangin na nawala sa paningin ko at naramdaman ko na lamang!

~WOOSH!

THE GANGSTER HUNTER [Book 1 completed]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora