MISSION 39: WHAT TO FEEL?

3K 56 15
                                    

I dedicate this chapter for you. Maraming salamat sa pagbabasa ^^

Andie's POV

"Hachuuu!!!! Aigoo..." 

Napabalik ako ng higa sa kama nang sumakit na naman ang ulo ko. Kinapa ko ang sarili ko. May sakit ako? Baka sakit sa love to... ilang araw na kasi akong di makatulog. Di rin naman nagpaparamdam si Namu eh... tapos inaalala ko pa yung pagkikita namin nina Sunggyu at Dongwoo nung nakaran. Weird nila kumilos akala ko nga may gagawin silang kung ano sa kin eh. 

"Gusto lang naming makita ang babaeng mahal ni Woohyun."-Sunggyu.

"We'll see each other again Andie, malapit na yun... can't wait."-Dongwoo.

Ang strange ng mga sinabi nila tapos bigla na lang sila umalis. Weird talaga. Ano yung malapit na?

~Ding dong~

Napatigil ako sa pag-iisip nang may marinig akong door bell. Si Namu kaya yun? Kung siya nga yun patatagalin ko muna. Mag ding dong siya mga sampung beses bubuksan ko yun. Kung hindi siya yun hindi pa aabot ng sampung ding dong aalis na yun. Kahit di ko sure kung siya nga yan, basta feeling ko siya yan eh kaya magpapakipot ako. Pero ilang sandali lang nawala rin yung tunog ng door bell.

Di nga ata si Namu yun :(

~You're my star, the biggest star in the world,

Shining a light on my darkened heart

You're my star, the biggest star in the world

Melting me, who was once frozen



Nag-ring yung phone ko. O.O Namu~calling. Hindi ko binaba yung tawag niya nilagay ko yung phone sa tenga ko pero di ako nag-hello.

[Sorry...]

O.O narinig ko na naman ang boses niya. 

[Sorry Andie... I 'm really sorry, I love you. Please forgive me.]

Bakit ba siya nag-sosorry? Ibig sabihin may di talaga siya sinasabi sa kin? Di ko pa rin ako sumasagot. Humiga na lang uli ako sa kama pero nasa tenga pa rin ang cellphone.

[Andie are you still there? you're not answering, ganyan ka ba kagalit sa kin? Ano bang kailangan kong gawin?]

Sabihin mo lahat sa kin.

[Andie please, let's talk. What do you want to know? I'll tell you]

Gusto mo kong makausap pero ilang araw kang di nagpaparamdam. Patawa ka Namu.

THE GANGSTER HUNTER [Book 1 completed]Where stories live. Discover now