MISSION 28: DOOMED

3.6K 68 10
                                    

 HELLO! dinededicate ko to uli para sayo! hahaha nakakatuwa kasi kayo mga saeng! oh enjoy super good luck sa studies at sa stories! FIGHTING! :D

Angel’s POV

Kainis! Nakakaasar! Sa lahat naman ng makakabungguan at makakapalitan ko ng cellphone… bakit siya pa argh! Nasabunutan ko ang sarili ko habang pabalik ng Hunter Headquarters. Sungjong nasaan ka na ba… sana lang talaga hindi niya pa nabubuksan yung cellphone ko! At bakit ba kasi magkapareho kami? Aissh nakakaasar talaga!!!!!

Iniwasan ko yung lugar na huli kong nakita si Hoya, mahirap na makita ko na naman yun baka nasa mood na yun makipag-away hindi pwede ngayon! kailangan kong makuha yung cellphone ko kay Sungjong! Pumasok ako sa pinakaloob ng headquarters, i-imagine niyo na lang na para kayong nasa haunted house iyon ang mukha ng lugar na to. Pakurap-kurap pa yung mga ilaw na parang anumang oras may lalabas na multo at hihilain ka sa dilim.

“Nasaan na ba kasi yung mukhang babae na yun?” tanong ko sa sarili ko habang naglalakad. Halos silipin ko pa lahat ng kuwarto dun mahanap ko lang siya, kahit makipagbalian ko ng buto sa kanya gagawin ko wag niya lang malaman ang sikreto ko! “Hay bwisit nasaan na ba yun!” nasa dulo na ata ako ng lugar na to. Dalawang pinto na lang ang natitira.

Tiningnan ko dun sa isa--- wala, madilim. Pumunta ako sa kabilang pinto na mukhang may ilaw. Dahan-dahan ko yung binuksan at doon bumulaga sa kin si Sungjong… pero hindi siya gising… tulog siya dun sa mahabang couch. Mukhang di niya pa nabubuksan yung cellphone ko… nasaan na ba? Hinubad ko yung sapatos ko at pa-tip toe na naglakad papunta sa kanya… samantalahin mo ang pagkakataon habang tulog siya Angel!

Yung cellphone ko… nasaan na ang cellphone--- Shit. Nasa bulsa ng pantalon niya! anong gagawin ko? lihim akong napa-curse tapos huminga ng malalim. Kaya mo yan Angel! Dahan-dahan akong lumapit pa sa kanya… sinubukan kong abutin yung cellphone sa---

“Shit.”

Oops. Napatigil at napalayo sa kanya konti nang bigla siyang mag-curse. Akala ko magigising na siya pero hindi pa naman pala. Nagku-curse siya kahit tulog? Ibang klase. Muli akong lumapit sa kanya at tinangka uling kunit yung cellphone ko--- Teka lang! napaatras na naman ako nang gumalaw siya at tumagilid.

-_-

Yung cellphone ko… tumagilid siya sa kanan, eh nasa kanang bulsa niya rin yung cellphone ko! Aiissh! Kumaliwa ka please! Gusto ko ng sipain tong si Sungjong! Nakakainip. Kumaliwa ka, please! Kailangan kong makuha yung cellphone ko—

Oh no!

Mas lalo akong nataranta nang mag-ring. Hala? Nanlaki ang mga mata ko kasabay ng pagkakataranta ko! anong gagawin ko? yung cellphone… hindi niya yan pwedeng sagutin, baka si Sparrow yan—at mas lalong hindi niya ako pwedeng makita dito! Kumalma ka Angel! Tulog pa rin siya, di niya ba naririnig? Gustong gusto ko na siyang hambalusin para makuha yung cellphone na patuloy pa ring nag-riring sa bulsa niya!

“Shit, sino ba to!”

Gaaah!!!! Nagsalita na siya! Mabilis akong pa-tip toe na tumakbo at nagtago sa may malaking aparador dun habang nakatalikod pa siya sa kin! Siguro naman hindi niya ako narinig diba? Kagat-kagat ko ang lower lip ko habang sumisilip sa kanya. Patay na, lagot ka na talaga Angel! Nakita kong dahan-dahan siyang naupo at kinuha yung cellphone sa bulsa niya na patuloy pa rin ang pag-ring!

THE GANGSTER HUNTER [Book 1 completed]Where stories live. Discover now