MISSION 44: THE FEELING THAT CAN'T EXPLAIN

3.1K 62 19
                                    

Hello! dedicated to you ^^

Shim’s POV

“Aray.” Napahawak ako sa noo ko, naramdaman kong may benda tapos nang tuluyan ko ng maimulat ang mga mata ko… puro naman puti ang nakikita ko. Nasaan ba ako?

Akala ko nasa ospital ako pero nasa clinic lang pala ako ng school nang may makita akong palatandaan.

“Shim Egamino.”

Napatingin ako sa tumawag ng buong pangalan ko, si Hennesy. Umupo siya dun sa katapat na kama.

“Okay ka lang?” tanong ko.

Napataas siya ng kilay. “Ako ba talaga tinatanong mo niyan? Diba sa sarili mo dapat sinasabi yan? Tss. Bakit ka humarang?”

Napatigil ako sa tanong niya.

“Kung hindi ka humarang wala sanang benda diyan sa ulo mo!” sabi pa ni Hennesy. “Ano  speechless ka na lang diyan? Magsalita ka nga!”

“Natutuwa ako at ayos ka.” sabi ko na ikinatigil naman niya. Tapos napaiwas siya ng tingin

“Tsk. Wag mo nga ako gamitan ng pabait effect mo, hindi bagay! Now tell me… bakit ka humarang?”

Dahil papatayin ka ni L.

Tiningnan ko siya. “Nakita ko kasing nasa panganib ka.” sagot ko na lang.

Napatayo si Hennesy. “That’s bullshit you know? Nakita mo bago ko pa maramdaman? Oh baka ikaw naman talaga yung gustong pumahamak sa kin—“

“Then I’d rather do it face to face than back stabbing.” Putol ko sa sinasabi niya.

“What the---Basta hindi ako naniniwala na dahil nakita mo lang! There’s something in you Shim Egamino.”-Hennesy, sabay talikod at lakad paalis pero di pa siya nakakalabas ng pinto ay nilingon niya uli ako. “Yung nagdala sayong lalaki kanina… nasa reflection room.”

Lalaki? Sino nagdala---biglang pumasok sa isip ko si Paige. Omo. Bakit siya nasa reflection room?

“Bakit—“

“Hindi ko alam kung bakit. Wag mo kong tanungin basta pagkahatid niya sayo dito dumiretso siya sa reflection room.” Tapos tumalikod na siya uli pero muli na namang lumingon. “May sasabihin pa pala ako kahit ayoko.”

“Ano—“

“Thank you.” Tapos tuluyan na siyang umalis.

Tama ba yung narinig ko? Nag-thank you sa kin si Hennesy? Pero bago ko isipin yun, dali-dali akong bumangon mula sa pagkakahiga. Kailangan kong puntahan si Paige.

THE GANGSTER HUNTER [Book 1 completed]Where stories live. Discover now