MISSION 13: TRAP

4.4K 87 6
                                    

 PARA SAYOOO!!!  :)) yung iba pong dedications sa next chaps na lang :D 

Paige’s POV

I just look away. Shit ang lakas ng pakiramdam niya. muli akong napatingin sa kanya nang hindi niya na ako tiningnan. May mga band aid siya sa braso, parang mga sugat yun. Saan niya nakuha yun? at kaya ba muntik na siyang patayin ni Sunggyu dahil… Oh fuck. Invisible Queen?

Naikuyom ko ang kamao ko. Pero agad din yung nawala nang may maalala ako. Paano siyang magiging si Invisible Queen? Alam kong marami yung galos dahil sa naging laban namin pero imposible naman sigurong maging si Shim yun, she’s so stiff to be a gangster. Isa pa, may tatlong gang league leader ang nandito. Siguro ay ayaw lang talaga ni Sunggyu na maging malapit ako sa kanya. Pero bakit siya mangingialam kung mapalapit man ako kay Shim? Mas maganda nga yun kung tutuusin dahil magiging hunt subject na rin nila ako.

BUG!

Naipukpok ko ng malakas ang arm desk ko.

Shim’s POV

Nagulat ako nang marinig kong may malakas na kalabog, pagtingin ko si Paige lang pala at pinukpok ang arm desk niya. Mukha rin siyang galit dahil sa pagkakakunot ng noo niya? Problema nito? Napaiwas na lang ako ng tingin baka mamaya magkatagpo na naman ang mga mata namin, mailang na naman ako.

Uwian…

“Bye Aerich!” kumaway na ako kay Aerich nang maghiwalay kami sa corridor. May gagawin pa kasi siya sa Journalism Club ako uuwi na wala na akong gagawin eh. Pababa na sana ako ng hagdan nang makita ko si Manong Janitor na nakasapo sa dibdib niya. Eh? hindi ko na lang sana papansinin nang biglang…

“Ay Manong!” nasalo ko pa siya bago siya bumagsak sa semento.

“Ah… salamat hija.” Aniya at umayos ng tayo.

“Okay lang po ba kayo? Umuwi na po kaya kayo para makapagpahinga na kayo?” tanong ko at inalalayan pa rin siya, matanda na kasi eh.

“Oo hija okay lang ako, sandali lang ibabalik ko lang tong mga walis sa storage---“

“Manong ako na po ako na magbabalik!” kinuha ko sa kanya ang mga walis at daspan, ako na lang magbabalik mukhang tutumba na siya anumang oras dito eh. Kaso mukhang kailangan ko rin siyang alalayan pababa ng hagdan----“PAIGE!”

THE GANGSTER HUNTER [Book 1 completed]Where stories live. Discover now