MISSION 62: PLEASE DON'T SAY GOODBYE

2.1K 57 23
                                    

Hello! para sa iyo salamat sa pagbabasa ^^

*Click

Shim’s POV

Ayan na naman si Paige, kinukunan na naman ako ng picture. Nakakaasar pero hinahayaan ko na lang siya sa trip niya diyan siya masaya eh. Nandito nga pala kami sa may park malapit sa school. Na-cut kasi yung klase namin, may meeting ang mga teachers.

“Kailan ka ba magsasawang kuhanan ako ng picture?”  tanong ko maya-maya.

Tiningnan niya ako. “Never akong magsasawa.”

“Eh araw-araw mo na akong kinukunan? Siguro pinagnanasaan mo yang mga picture ko bago ka matulog no?”

“Uy paano mo nahulaan?”

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

“HAHA! Ano bang nasa isip mo? Saka okay lang naman na pagnasaan kita kasi... akin ka na.”

Pinalo ko siya ng mahina sa braso. “PERVERT!”

“DI AKO GANUN NO! Shim iba ka mag-isip. Hahaha!” sabi niya sabay halakhak ng malakas.

Grabe, last day na ata ng pagtawa niya.

“Ipapa-develop ko ang mga pictures tapos lalagyan ko ng caption tapos ilalagay ko sa scrapbook.” Pag-iiba ng topic ni Paige.

“Lahat ng picture ko?” taking tanong ko.

“Yup.”

“Paige—“

“It’s like my documented memories for you.”

Nangunot noo ako. “Documented memories? Makasalita to parang nagpapaalam—“ napatigil ako at tiningnan si Paige ng tuwid sa mga mata. Taka rin siyang napatitig sa kin. tapos kinuha ko ang dalawang kamay niya. “Hindi ka naman aalis diba?”

Hindi ko alam kung dapat bang may ikangiti siya sa seryoso ng tanong ko pero ganun nga ang ginawa niya. Ngumiti siya sabay intertwine nung mga kamay namin. “Bakit? Saan ba sa tingin mo ako pupunta?”

Napatitig ako lalo sa kanya. Yung sinabi niya... parang may laman.

“Basta sabihin mong hindi ka aalis.” Giit ko.

Tumango siya. “I’m not going anywhere; I will always be here for you no matter what.”

Alangan akong ngumiti sa sinabi niya. Can I hold on with those words? Kung bawat araw na gigising ako nag-aalangan ako kung makikita ko pa siya? Tiningnan ko uli siya sa mga mata, tinatansya kung totoo ba ang mga sinasabi niya. Paano ko ba ipapadama sa kanya na mahal na mahal ko siya? Namalayan ko na lang, niyakap ko na siya.

THE GANGSTER HUNTER [Book 1 completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon