MISSION 35: SHE WANTS A FIGHT

3.3K 59 4
                                    

HELLO THERE! Dedicated to you ;) Salamat nga pala uli sa cover ha! :D

"Kapag ako di mo pa kinibo magwawala talaga ako dito!"

Shim's POV

Naglalakad na naman ako pauwi ng bahay. Tapos si Paige nakabuntot na naman sa kin at nagsasalita ng kung anu-ano. Eh ano kung di ko siya kausapin ngayong araw? malaking kawalan? kakainis kasi siya eh. Kanina niya pa pinamumukhang nagseselos ako kahit di naman.

Di nga ba?

"SHIM NAMAN! HOY!"

Bahala ka diyan.

"TSK BWISIT. BAHALA KA NGA DIYAN! PARA AKONG NAGSASALITA SA HANGIN."

Napatigil ako sa huli niyang sinabi at nilingon siya na ngayon ay naglalakad na palayo. La? short tempered talaga nito.

"UWI KA NA?" sigaw ko sa kanya para marinig niya ako. Hindi ako nilingon, hindi rin ako sinagot?la? tampo? bahala siya hmp! nagpatuloy na ako sa paglalakad.

Paige's POV

Naramdaman kong naglakad na siya ulit kaya tumigil ako at nilingon siya. Tingnan mo yun, wala talagang pakialam sa kin. Psh. Di ko lang sinagot yung tanong niya, sumuko na agad.

Ako lang ba may gusto sa kanya? hindi niya ba ako gusto? BAKIT HINDI NIYA KO MAGUSTUHAN? BWISIT! BAHALA NGA SIYA.

Pero nakakainis na talaga ako nakalingon pa rin ako sa kanya na tuloy tuloy sa paglalakad! di na ba talaga niya ko lilingunin? Ayaw pa kasi umaming nagselos naman talaga siya kanina. Kung sino man yung babaeng yun kanina na basta na lang nanhalik wag na wag na siyang magpapakita sa kin.

Shim's POV

Hay salamat naman nakawala na sa anino ni Paige. Feeling ko di ako makahinga kanina eh, buti na lang uuwi na siya bukas na lang kami mag-usap feeling ko may topak ako ngayon eh.

"Namu! turuan mo naman ako magluto."

"Kailangan pa ba? ako na nga nagluluto para sayo eh."

"Gusto ko ring matuto para mapagluto naman kita kahit minsan, nakakahiya naman ako kababaeng tao di marunong magluto paano na kapag mag-asawa na talaga tayo?"

THE GANGSTER HUNTER [Book 1 completed]Where stories live. Discover now