MISSION 31: WHAT ARE YOU UP TO?

3.3K 70 18
                                    

Hello Para sayo! tnx for reading :))

Mhezra’s POV

Napa-pout ako sa sinabi ni Ate Shim pagkababa niya ng hagdan. Magtatanan daw sila ni Yeol, hmp! Kahit joke lang yun aba masakit yun sa damdamin ko no! bakit ba nagmamadali yung Ate ko na yun na umalis--- teka!

“ATE SHIM!!!!!” nagmamadali rin akong bumaba ng hagdan para sundan si Ate Shim. Nakalimutan ko may hihiramin nga pala ako sa kanya! waaah!!!! Asaan na ba yun? ang bilis naman nun! Kakalabas lang nun ng bahay ah. Kailan pa siya bumilis na tumakbo?

Nakalabas na ako ng subdivision na hindi ko na nakikita ang anino ng Ate ko—

BUG!

“Ay shokoy!” napatalon ako sa paglalakad nang marinig ko yung malakas na kalabog na yun na mukhang nanggaling dun sa kotse sa di kalayuan! May dalawang lalaki na nakatalikod sa kin na  mukhang may nilagay dun sa likod ng kotse. Ang lakas naman di pwedeng dahan-dahan?

Di ko na sana papansinin pa , babalik na lang sana ako sa bahay kaso may nahagip na naman ako. May bumaba sa kotse tapos ini-check uli yung compartment. Napatitig ako sa kanya. Hm?

(o_o)

~DUGDUG

“S-Sungyeol…” naka-shades siya at nakaside view pa na medyo malayo sa kin pero sigurado si Sungyeol yan! Di pwedeng magkamali ang tibok ng puso ko! “SUNGYEOL!!!!!”

Takbo Mhezra takbo! “SUNGYEOL---Ahu! Ahu!” napaubo ako at muling napatigil nang biglang humarurot yung kotse at bugahan ako ng usok!

Naknang. Bakit hindi ako narinig ni Sungyeol? >.< lalo akong napa-pout. Kapag tumakbo ba ako mahahabol ko pa siya? Tss… hindi syempre! Naglakad-lakad na lang ako na nakayuko. Nakakabadtrip naman akala ko makakasama ko uli si Sungyeol ngayon!

“Bakit di mo ako nakita kakainis ah---“ ha? Napatigil uli ako nang may mapansin ako sa gilid ko. Bag? Hm? Dinampot ko yung malaking bag.

(o_o)

Teka…

“Bag to ni Ate---“ napatingin ako dun sa direksyon na dinaanan ng kotseng sakay si Yeol. Aigoo… tapos napabalik ako ng tingin sa bag ng Ate ko.

Bakit nandito to sa daan? At bakit si Yeol… Omo. Napahigpit ako ng hawak sa bag. Magkasama si Ate at si Yeol? Totoo yung sinasabi ng Ate kong tanan--- erase erase! May dalawa pang lalaki kanina na pumasok dun sa kotse. Baka isa dun si Myungsoo? Aissh nakakainis! Ano bang naiisip ko!

THE GANGSTER HUNTER [Book 1 completed]Where stories live. Discover now