MISSION 5: HE IS TERRIFIC

4.8K 102 13
                                    

MATH CLASS

Shim’s POV

Top student man, minsan ay tinatamad din. Promise.

“A plane left a field F and cross 110 degrees for 2 hr. at 167 mph and landed at field G…”

Ayoko na talaga makinig, naboboring na ko. Boring pa magturo ng math tong teacher namin dun lang lagi nakatingin sa tatlo kong kaklase na talagang magagaling sa math! Parang yun nga lang estudyante niya eh, ako matawag man minsan lang. Favoritism. Tsh…

“Class, mukhang bored na kayo.”

Kanina pa po. Gusto ko sanang sabihin.

“Okay ganito na lang, let’s have a game.”

Game? Bigla akong nabuhayan sa sinabi ng teacher namin! Kung lagi siyang may pampagana edi mas masaya sanang makinig sa lesson niya!

“Yan gusto namin yan Sir!”

“Woohoo!!!!”

Nag-ingay na yung klase, mukhang lahat nabuhayan. Akala nila simpleng laro lang talaga ha? Yan pang si Sir Epsi gagawa ng game na hindi related sa subject niya? Sigurado may halo na namang Math yan!

“This will be a Boys vs.Girls Game. Ang mananalo, bibigyan ko ng plus 20 sa darating na long quiz ang matatalo naman walang plus.”

Plus 20? Parang gustong magningning ng mata ko! syempre mahirap kaya magpa-exam yan si Sir kaya malaking bagay ang plus 20!

“Sir lahat po kami kailangan sumagot?” tanong ng isa kong classmate.

“Pwede, kung gusto niyo magkaroon na lang kayo ng representative.”-Sir Epsi

“Representative na lang Sir!” Segunda nung isa ko pang classmate na lalaki!

THE GANGSTER HUNTER [Book 1 completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon