MISSION 40: EVERYTHING IS UNCLEAR Part 1

2.9K 64 20
                                    

Dedicated to asawa ni Baeklaaa!!! hahaha aabangan ko yang gagawin mong story good luck <3

Shim’s POV

Nagmamadali akong puntahan si Chadburn. Anong nangyari sa kanya? Hindi ko alam. Basta kailangan ko siyang puntahan, pero hindi ako maaring magpakita ng mukha. Pero ngayon ko pa ba itatago kung sino ako at kailangang kailangan na niya ako?

“Bahala na nga! Ang importante maniwala siyang ako ang tunay na Invisible Queen!” sigaw ko at saka lalong binilisan ang pagtakbo.

Nakasumbrero lang ako na natatakpan ang mga mata nang makarating ako sa Gangster World. Nasaan ba ang tambakang sinasabi ni Chadburn?

Chadburn’s POV

Ang tagal niya, darating ka pa ba Invisible Queen? Patuloy na kumikirot yung sugat ko sa balikat. Hindi ko na kaya… gusto ko ng magpahinga…

“Chadburn…”

Nakasalampak pa rin ako sa semento nang may makita akong pares ng paa sa harap ko, tapos may tumawag ng pangalan ko.  Invisible Queen? Nag-angat ako ng tingin… isang babae, ngunit hindi ko makita ang mga mata niya… natatakpan ng sumbrerong suot niya at ng lagpas balikat niyang buhok. Teka. May iba akong nararamdaman.

“I-Invisible Queen?” pinilit kong bumangon para makaharap siya pero bago ko pa man magawa ay bigla siyang umupo para magpantay kami. Kaunti na lang… makikita ko na ang mukha niya. “I-Ikaw ba talaga yan Invisible Queen?”

“Ano sa tingin mo Chadburn?” nakita ko siyang nag-smirk pero hindi ko pa rin makita ang mga mata niya. Yung malakas na aura ni Invisible Queen, ng tunay na Invisible Queen nararamdaman ko na naman…

Napanatag ako. “I miss that smirk.”

Tipid siyang ngumiti. “I’m sorry…”

Sorry? Para saan?

“Hindi ko alam kung ano ang ikinaka-sorry mo Inviisible Queen, pero pwede bang tulungan mo muna ako?”

“Ah. Oo nga pala.”

Tinulungan niya akong makabangon, pero dahil mas malaki pa rin ako sa kanya ay nahirapan siya lalo pa’t kailangan kong dumepende ng lakas ngayon sa kanya dahil nanghihina na talaga ako.

“Ilagay mo yung kamay mo sa balikat ko, yung parang inaakbayan mo ako para makaya kita.”-Invisible Queen.

“Iyon naman talaga ang gagawin ko dear leader—Oops.”

Bigla kong natabig yung sumbrero niya.

Shim’s POV

THE GANGSTER HUNTER [Book 1 completed]Where stories live. Discover now