MISSION 61: HERE'S THE DAY WE THOUGHT WOULD NEVER COME

2.2K 61 26
                                    

 Hi ateee as promise para sayo haha sensya kung ngayon ko lang na-dedic ha :))

Shim’s POV

“Pasok ka na sa loob”-sabi ni Paige nung makarating na kami dito sa harap ng bahay ko. Gabi na, hindi na talaga niya ipinagpabukas yung pag-uwi namin.

“Uuwi ka na rin?” tanong ko.

“Oo.” Agad niyang sagot tapos nag-iwas siya agad ng tingin. Nagtaka tuloy ako.

“Hindi ka pa ata uuwi eh.” Giit ko.

“Uuwi na ko, kaya pumasok ka na.” Seryosong saad niya.

Teka, bigla na naman siyang nagiging seryoso. Parang kanina lang walang mapaglagyan yung ngiti niya. Inaatake na naman ata siya ng mood swings.

Tinitigan ko siya. Ganun din ginawa niya. Feeling ko may gusto pa siyang sabihin pero mas pinipili niya na lang wag magsalita.

“Ah... s-sige papasok na ako, ano bye.” Maya-maya’y sabi ko, bigla na kasi akong nailang nung ma-realize kong matagal ko na siyang tinititigan. Pero siya di pa rin natitinag. Nakatitig pa rin siya sa kin na parang huling beses na niya akong makikita. “Bye Paige.” Sabi ko at tumalikod na.

“Shim.”

“Hmm—“

“Payakap muna.”

Hindi ko pa natutuloy yung sasabihin ko, hinila niya na ako agad paharap sabay yakap ng mahigpit. La, ano nangyayari dito kay Paige?

“Huy okay ka lang ba?” taka kong tanong. May mali talaga dito eh, pero diba lagi naman siyang ganito? Yung tipong pabigla-bigla. Pero feeling ko kasi may mali talaga ngayon.

Hindi niya sinasagot yung tanong ko, basta nakayakap lang siya.

“Paige baka para-paraan ka lang para maka-score ah.”

“Tss.” Yan lang narinig ko sa kanya, oh diba ang gandang sagot.

Maya-maya pa nagsawa rin ata siya kaya pinakawalan niya na ako. Pero hinawakan niya naman yung dalawang kamay ko.

“Thanks for everything Shim.”

“Ha?” sabi ko.

“Thanks. Alam mo na, for accepting my feelings and for being my girlfriend?”

“Hindi mo pa nga ako girlfriend, ayos ka talaga eh no gusto mo agad-agad.”

“Nah whatever. Basta girlfriend kita tanggapin mo man o hindi.”

THE GANGSTER HUNTER [Book 1 completed]Where stories live. Discover now