MISSION 47: I SPEAK WHAT I FEEL

3K 60 37
                                    

Eh gusto ko lang ulit magdedicate sayo eh. Angal ka? hahahaha! Charing. Para sa kalahi kong IMPAKTA. XD

                                    

 

AN: Bangag talaga si Watty eh. Ang hirap mag edit ng spaces. Hinahang niya ako. 

Chadburn's POV

Ginamot ko na yung sugat niya. Dito ko muna siya dinala sa bahay ko, inihiga ko siya sa kama ko. Tapos na kong bendahan yung sugat niya nang magising siya, pero hindi nagsasalita. Nakatingin lang siya sa kisame.

"Shim, okay ka na ba?" tanong ko at naupo sa tabi niya.

Para akong nagsalita sa hangin dahil hindi niya ako pinansin.

"Invisible Queen." sabi ko, sa pagkakataong yun tiningnan niya na ako.

"Bakit ako nandito?" tanong niya.

"Ginamot ko ang sugat mo. Dapat ba sa ospital kita dinala? Natanggal ko na naman yung bala---"

"Hindi. Ayos lang." putol niya sa sinasabi ko at bumangon sa kama.

"S-Sandali lang. Kaya mo na ba?"

"Uuwi na ako." sabi niya, hindi niya na naman sinagot yung tanong ko.

Wala siguro siya sa mood na makipag-usap. Lalo tuloy akong nagi-guilty. Kung dumating siguro ako kaagad hindi siya ganito ngayon. Pero nasaan na nga ba yung impostor niya? Pagkakataon na niyang patayin si Shim kanina pero wala na siya pagdating ko.

Tiningnan ko lang si Shim na ngayon ay palabas na ng pinto ng kuwarto ko. Hahayaan ko na lang muna siya sa gusto niya, pero di pa siya tuluyang nakakalabas ay napatigil siya at humarap uli sa kin.

"Chadburn si Mhezra..."

Nanlaki ang mata ko. Oo nga pala yung kapatid niya!

"H-Hindi mo ba siya nakita?" tanong ko.

Marahan siyang umiling.

"K-Kailangan kong bumalik sa Block 6! Si Mhezra---"

"Shim sandali!" pinigil ko siya bago pa siya tuluyang makaalis. "Hindi ka pwedeng bumalik dun ng ganyan ang kalagayan mo!"

"Anong kalagayan? Okay lang ako. Yung kapatid ko kailangan kong makuha! Baka kung ano pang gawin nila sa kanya---"

THE GANGSTER HUNTER [Book 1 completed]Where stories live. Discover now