MISSION 29: SUSPICIONS

3.5K 69 13
                                    

DEDICATED ANG CHAPTER NA ITO PARA SA KAPATID NG ATING MAIN CHARACTER hihi! hello Mhezra! :))

(Dark Shadow) Shiatsu’s POV

Mukhang nakita niya ang kotse ko. Napakalakas ng pakiramdam niya… para talagang may kakaiba.

“What now? Hindi mo naman siya napasabay sayo.” Napatingin ako kay Hennesy (Lady Poisonous) na nasa back seat. Kanina pa siya nandiyan… hindi lang nahalata.

“I know you saw it, dumating yung kaklase niya…”-sagot ko habang nakatingin pa rin sa bahay nila.

“Tsk. Bakit ba kasi bigla kang na-curious diyan kay Shim Egamino, eh isa lang naman siyang dakilang kaagaw ko sa atensyon ng mga estudyante sa school.”-Hennesy.

“Compared to you she’s nice… hindi pakitang tao.” Nakita kong inirapan niya ako sa rearview mirror.

“Shiatsu, maniwala ka at sa hindi santa-santita lang yang si Shim… may itinatago rin yang baho.”

Tulad ng hindi lang siya ordinaryong babae? Nakita ko ang kaya niyang gawin kanina, talagang kakaiba na nakapagpalabas ng interes ko sa kanya…

“Henessy, lumipat ka dito sa front seat ayokong magmukhang driver mo.”

“Duh? Ayoko tinatamad ako… mukha ka namang driver eh pangatawanan mo na at ihatid mo ko sa photoshoot ko bilis!”

Tss. Ayoko ng makipagtalo sa babaeng to.

“Wala ka bang ibang napapansin kay Shim?” maya-maya’y tanong ko kay Henessy.

“Wala, hindi siya kaintere-interesado.”

Napa-smirk ako. “Gang League Leader ka ba talaga? You are not observant.”

“So anong gusto mong sabihin? na hindi ako capable sa pagiging Gang League Leader?”

“It’s not that, gusto ko lang sabihin na dapat maruno kang makaramdam ng kakaibang aura sa mga taong nakakasalamuha mo.”

At si Shim… may kakaiba talaga sa kanya. Kailangan kong mapalapit sa kanya---

“Kung sinasabi mo yan dahil kay Invisible Queen. Well, don’t worry Dark Shadow… tomorrow is the last day. Kahit hindi mo na siya hanapin… sigurado magpapakita yun.”

“Bakit parang siguradong-sigurado ka?” taking tanong ko sa kanya.

THE GANGSTER HUNTER [Book 1 completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon