MISSION 57: I HAVE TO...

2.4K 63 77
                                    

Dedicated uli sayo saeng hahaha! Hiya ako eh 2 days kitang pinag-antay atsaka wala yung hinahanap mo dito. Malay mo gawan ko next time ikaw ang bida.Lels.

Mhezra’s POV

Ang galing ko. Grabe ang galing ko. Nakarating ako dito sa pinuntahan ni Sungyeol noon. Sinundan ko lang naman siya dito noon eh nagalit pa nga siya at pinauwi ako agad. Pero nandito na ako ngayon wala ng atrasan to. Takte kasing diary yun ayaw patulugin ang konsensiya ko.

Dun ako sa likod dumaan kung saan ako dinaan din ni Yeol noon. May nakabantay kasi dun sa unahan. Malamang doon ako daan no? May isip ako pag may time.

“Peste ang hirap akyatin.” Reklamo ko nung madulas ang kamay ko sa pagkakakapit sa pesteng bakod na yun.nung makapasok na ako, wow ang galing ko talaga. Mainis kayo, yabang ko eh. Nung tuluyan akong makapasok napaisip ako, wala ba talagang nakakakita sa kin dito? Bahala na ang sino mang super hero. Nakaitim nga akong damit ngayon eh, full. Idol ko si Myungsoo. De. Kailangan eh, para kasing laging may lamay ang mga tao dito no room for other color.

Tsaka baka mapansin ako agad kapag nagsuot ako ng kulay na kakaiba sa kanila. Ang talino ko talaga, nagpa-function ngayon ang utak ko. Take that. Pero teka, nagtataka lang ako kung anong ginagawa ni Sungyeol dito... o ng iba pang infinite. Ito na ba ang building ng Woollim? Wow scary, it’s in the Philippines. Dami kong satsat, sinadya ko yun ng mainis ka. Hiya ako sayo eh wala ka ng ginawa kundi kainisan ako sa kwentong to ngayon magtiis ka sa linya ko. *flips hair.

Pero teka lang--- napatigil ako. Hindi ko kasi alam kung saan ako magsisimula. Hashtag medyo bobo. Kumbaga sumugod ako dito na walang sandata. Eh bakit ba? Wala akong choice bakit ba kasi ako may konsensiya—Ay naku mapuntahan  na nga lang yung silid kung saan ako tinago ni Yeol! Baka nandun siya. BAKA!

Yung totoo natatakot ako sa lugar na to, hindi ko alam kung sinong mga impakto ang sasalubong sa kin. Bawat hakbang ko napapadasal ko. Mhezra dito ka ata babait. Lumiko ako sa kanan. Peste nasaan na ba yung silid na yun?

“L is still missing? Sounds funny”

AY PUCHA! Napatago ako sa may gilid nang may marinig akong magsalita! Sumilip akong konti, para lang ma-realize na si OMG SUNGYEOL! Teka kailangan ko siyang puntahan---

“Actually, I already know where he is. Kailangan lang natin ng approval ng Main Hunter bago siya puntahan.”

Napabalik ako sa pinagtataguan ko nung makita kong may kausap pala si Yeol! Teka—DONGWOO! Cries. Infinite is here. Pero bakit wala namang nakakakilala na sa kanila? Are they dead?Lols nakikita ko nga sila oh. Baliw na ang tingin sa kin ng classmate ko sa tuwing binabanggit ko sa klase si Yeol... sino raw yun pero nung nakaran lang... pinupush pa nila ako na mapapangasawa ko ang higanteng bata este manly na pala siya.

“Sasama ako kapag nag-approve na ang Main Hunter na hulihin siya.”-Sungyeol.

THE GANGSTER HUNTER [Book 1 completed]Where stories live. Discover now