MISSION 70: IT'S NOT OVER YET

1.7K 66 20
                                    

Shim’s POV

Nasaan ako? puting paligid... ospital? Sinubukan kong bumangon pero napahiga uli ako nang maramdaman ang pagpitik ng sakit sa ulo ko. pagkahawak ko, may benda pa. Ang sakit din ng katawan ko para akong nabugbog.

“Shim? Gising ka na?”

Napatingin ako sa tabi ko at nag-aalalang mukha ni Chadburn ang nabungaran ko. Magsasalita sana ako nung bigla naman siyang tumakbo palabas para siguro tawagin ang Nurse. Mabilis din siyang bumalik at nilapitan ako.

“Okay ka na ba? Wala bang masakit sayo?”

“Yung ulo ko masakit tsaka parang binugbog ang katawan ko.”

Hinawakan niya ang mukha ko.

“Kasalanan ni Devious to eh, sana hindi ka na lang niya pinukpok.”

Ningitian ko siya ng matipid bago lumapit yung nurse at chineck ako. Nagulat pa ako nung malamang dalawang araw na pala akong tulog. Kinabahan si Chadburn dahil akala niya raw mako-comatose na ako kaya binatukan ko siya.

“Nag-aalala lang naman kasi ako sayo, masisisi mo ba ko? tsaka ako na nga tong walang sawang nagbantay sayo habang nandito ka pa tapos babatukan mo lang ako?” reklamo niya habang himas ang nasaktan niyang ulo.

“Hindi ko naman sinabing bantayan mo ko ah. Pero nakakatouch kaya sige na thank you.” Sabi ko at pumikit ulit.

“Hala Shim wag ka ng matulog!”

Medyo malakas yung pagkakasabi ni Chadburn nun kaya napatingin na naman ako sa kanya at napakunot noo. “Bakit ba ang ingay mo? Masama bang matulog—“

“Baka hindi ka na gumising eh.”

Tiningnan ko ang mga mata niya, bakas dun ang pag-aalala pero gusto ko na naman siyang batukan.

“Narinig mo ba yung sinabi ng Nurse kanina? Maayos na ang lagay ko at pwede na akong lumabas bukas kung gusto ko kaya wag ka na ngang masyadong OA diyan.”

“Shim naman kasi... argh! Payakap nga!”

“U-UY!”

Nagulat ako nung bigla niya akong yakapin ng mahigpit.

“Nakakainis ka, nag-alala ako sayo alam mo bang nung malaman ko palang na nilason ka ni Hennesy di na maalis ang kaba ko? tapos akala ko babarilin ka pa ni L tapos pinukpok ka ni Devious. Langya naman Shim sa tingin mo ilang kaba dinala sa kin nun? Paano kung napahamak ka ng tuluyan? Habambuhay akong makokonsensiya!”

Di ko na maintindihan lahat ng pinagsasabi niya dahil sa bilis niyang magsalita pero isa lang ang alam ko. Grabe siyang nag-alala, pinag-alala ko siya. Tinap ko ang likod niya.

THE GANGSTER HUNTER [Book 1 completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon