MISSION 25: A TOTAL LOSS OF REMEMBRANCE Part 3

3.5K 72 14
                                    

Hello! dedicated to you! tnx for reading ;))

Shim’s POV

“Ah ano bang pwedeng iluto sa karne ng baboy?”

[Karne ng ano?]

-_-

“Pork.” Di maintindihan ang baboy? Pero marunong mag-Filipino! Nag-iisip ako ng maluluto nang tumawag siya.

[Wala ka ng ibang maluluto diyan?]

“Hm? Wala eh, di pa uli nakapang-grocery si Mama” sagot ko habang naka-ipit yung telepono sa tenga at balikat ko, binubuksan ko kasi yung garapon ng nutella. “Hmm… ang sarap.”

[Anong masarap?]

“Yung nutella.” Sabi ko sabay kuha uli ng isa pang kutsara at papak ng nutella habang nakasandal sa lamesa.

[Kung anu-ano kinakain mo, MAGLUTO KA NA NGA!]

Nalayo ko yung cellphone nang bigla siyang sumigaw! Kabingi eh.

“Eh hindi nga ako maalam.” Sagot ko nung di na siya sumisigaw, maagang masisira eardrums ko sa lalaking to. Tapos biglang ang tagal niyang sumagot. “Paige? Paging paging?”

[Ah… ano ba yung tawag sa karne ng baboy na nilunod sa toyo?]

Pfft. Ano yun? WAHAHA!

“Hahahaha! Paige ano yun? ngayon ko lang ata narinig yan, karne ng baboy na nilunod sa toyo! Hahaha!” napahawak ako sa tiyan ko dahil sa sobrang saya!

[EH SA HINDI KO ALAM ANG TAWAG EH!]

Ayan na naninigaw na naman siya! Tumigil ako sa pagtawa.

“Wait iisipin ko kung ano ba yung sinasabi mo.” Anong luto ba yung karne ng baboy na nilunod sa toyo?

[Basta, pwede pa ngang ilunod din yung karne ng manok?]

Pati karne ng manok pwede ilunod sa toyo? Hmm… ano ba yun--- -_-

“Teka, adobo ba yung sinasabi mo?”

[Ha? Ah… siguro?]

Pfft… HAHAHA!

“Haha nilunod sa toyo hahaha! Ang ganda ng tawag mo sa adobo ah… hahaha!”

THE GANGSTER HUNTER [Book 1 completed]Where stories live. Discover now