MISSION 36: DOUBLE DATE FOR A TRIPLE TROUBLE

3.2K 60 9
                                    

HELLO! DEDICATED TO YOU! ^^

Shim's POV

Magkita raw kami ni Andie, ano kayang meron? mas pinili ko na lang napuntahan siya kaysa buong araw na tingnan ang cellphone ko at basahin ang mga text ni Paige na hindi ko naman nirereplayan. Bahala siya diyan, kahit isang araw lang pagpahingahin niya ako sa anino niya.

Habang naglalakad palabas ng subdivision, tinawagan ko si Andie.

"Hello Andie, saan ba tayo magkikita?"

[Sa sweet shop malapit sa school, pupunta ka Shim? See you, grabe excited ako!]

Eh? tapos parang ang saya-saya niya naman na makipagkita sa kin, eh kakakita ko lang sa kanya kahapon, sa kanila ni Woohyun.

"Sige papunta na ko."

[Sigi, sigi. Hihi see yah!]

Binaba ko na yung tawag. Maglalakad na lang siguro ako papunta dun sa sweet shop malapit sa school, sayang syete eh. Nag-iipon ako--

(o_o)

Napatigil ako sa paglalakad nang may matanaw ako sa di kalayuan. Tss. Ano ba yan! akala ko Paige-free day to! Napako ata ako sa kinatatayuan ko tapos parang slow motion siyang lumapit sa kin... dahan-dahan siyang naglalakad papalapit na para kaming nasa altar na at magpapakasal... hindi niya rin inaalis yung pagkakatingin niya sa mata ko tapos ganun din ako--- TEKA LANG! BALIKTAD! Diba dapat... ako yung naglalakad papalapit sa kanya---

"HOY!"

Oops! nagulat na lang ako nang nasa mismong harap ko na pala siya. Ini-wave niya pa yung kamay niya sa mukha ko.

"Hoy Shim anong nangyayari sayo?"

"H-Ha?" Parang bigla akong nahiya nang malaman ko kung ano pinaggagawa ko, la. Baka isipin nito napatulala ako sa kaguwapuhan niya.

"Tss. Kung maka-react ka naman para kang nakakita ng multo, mukha ba akong multo ha?"

Inikot ko ang mata ko. "GUWAPO MO KAYA KUMPARA SA MULTO! TABI NGA!"

BUG!

"WHAT THE-- Hoy sandali!"

Naglakad ako ng mabilis, bahala siya kung makaabot siya basta dapat Paige-free day to. Wala eh, lagi siyang nasulpot. Kabute. Tss.

THE GANGSTER HUNTER [Book 1 completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon