MISSION 2: IDENTITIES

7.1K 136 17
                                    

Hennesy’s POV

“Miss Hennesy pa-autograph naman!” agad na sumalubong sa kin ng tatlong babae. Napa-flip ako ng buhok. Iba na talaga kapag sikat.

“Okay, ito na… bili kayo ng magazine kung saan cover ako this month ha!” sabi ko, ang ganda ko talaga!

“Syempre naman Miss Hennesy! Bibili talaga kami!” sabay-sabay nilang sabi.

Ngumiti lang ako ng ng napakaganda bago nagtuloy-tuloy na pumasok sa school. Ayan na napapatingin na naman sa kin ang lahat ng estudyante. Ganyan talaga kapag angat ang kagandahang nakikita nila at wala ng makakapantay pa.

“I love you Miss Hennesy!”

“Hennesy akin ka na lang!”

“Hennesy!”

Napapailing na lang ako. Napakaganda ko talaga, at walang sino pa nakakapantay at alam ko kahit kailan hindi na darating pa yun.  Super busy ako sa pag-acknowledge ng mga bumabati at humahangan sa kin nang biglang masira ang moment ko dahil may dumaan na panira!

“Hello Miss Shim!”

“Miss Shim di ka lang maganda matalino ka pa!”

so biglang naitsapwera ang beauty ko? Hindi ako papayag! Nilapitan ko ang dakilang panira sa moment ko.

“Hennesy!” Pag-acknowledge niya sa kin at mukhang ang saya-saya niya pa.

Inirapan ko siya. “How dare you to steal my scene?”

“I’m not, dumadaan lang ako.” sagot niya

Grrr!!!! Nang-aasar ba siya.

“Next time, wag kang dumaan kapag alam mong nandito ako.” direkta kong sabi sa kanya.

THE GANGSTER HUNTER [Book 1 completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon