MISSION 75: WE'RE BACK TO WHERE WE STARTED

3.1K 84 13
                                    


Shim's POV

Ang bagal ng oras. Parang bawat galaw ng kamay ng orasan inaabot sya ng isang oras. Feeling ko nasa malalim akong panaginip at di na ako magigising. Ang dami kong nararamdaman.

Nagdidiscussion pa rin kami. Gustong gusto ko ng umalis. Palihim ko siyang tiningnan na nasa pinakadulong upuan. Nagkamali akong lumingon dahil nakatingin siya sa kin... pa rin. Simula kanina ng magpakilala sya at umupo siya hindi niya na inalis ang tingin niya sa kin. Lalo tuloy akong kinakabahan.

Ano bang ginagawa mo dito?! Bakit ikaw na naman si Paige?! Si Paige na di nageexist.

Nung makaramdam ako na malapit na kaming matapos. Isa-isa ko ng nilagay ang gamit ko sa bag. Literal na uwing uwi na ako!

"Mahaba na nadiscuss natin, next meeting na siguro yung iba. Please bring your calculators next meeting may quiz tayo. Class dismiss."

At yun ang go signal ko. Takbo Shim, takbo!

Alam kong nakasunod pa rin siya ng tingin sa kin at bigla rin siyang napatayo sa upuan niya pero bago niya pa ako maabutan, uunahan ko na siya!

Malapit na ako sa pintuan---

"SHIM!"

Napatigil ako sa pagmamadali nang harangin ako ng dalawang classmate kong babae at tatlong lalaki.

"Uy. Haha bakit?" tanong ko at pilit na ngumiti. Mga harang kayo nagmamadali ako!

"Bar tayo! Dali, wala namang gagawin bukas eh!" aya sa kin nung isa sa mga babae.

Napatingin ako sa likod ko. Nandun pa rin si Paige sa malapit sa upuan niya.

Pag umuwi ako alam nya ang bahay ko kaya wala pa rin akong kawala. Hinarap ko yung mga kaklase ko.

"Sure! San ba yan? Kahit pinakamalayong bar pa. Hahaha tara!" sabi ko at hinila yung dalawang babae. Nagtaka naman sila dahil madali akong napasama eh madalas akong tumanggi.

"Cool, sabi na nga ba mapapaoo ka rin Shim eh!" sabi ni Harley.

Nakita ko pa si Paige na nakamasid pa rin sa kin, magkasalubong yung dalawang kilay.

Mabilis akong nagiwas ng tingin. Bahala ka dyan.

"Hala, dapat inaya rin natin yung bago nating classmate. Si Paige ba yun? He's cute." sabi ni Daria nung nakalabas na kami ng school.

Naalarma ako. Babalikan namin yun? Di na ako sasama!

"Wag na, saka na lang malayo na tayo eh." sabi ni Harley.

"K!"

Nakahinga ako ng maluwag. Nakaiwas ako. Pero paano bukas? Mamaya ko na pagiisipan.

Sumakay kami ng jeep dahil may kalayuan yung bar. Nung nakarating na kami dun. Saka ko napagisip isip kung sigurado nga ba ako sa pinapasok ko.

"Shim tara! Walang back out ha! Sandali lang tayo promise."

Pilit na naman akong ngumiti. Pagpasok sa loob, parang mababasag ang eardrums ko. Sobrang lakas ng tugtog at dagdagan pa ng ingay ng mga taong nagkakasiyahan. Very good Shim.

Umupo kami sa may medyo sulok na table. Kakaupo palang namin, nagaaya na agad sumayaw yung dalawa kong kaklaseng babae. Tapos yung mga lalaki naman kanya kanyang order ng maiinom.

"Shim ano sayo?!" medyo pasigaw na tanong ni Harley para marinig ko siya. 

Mabilis akong umiling. "Juice?" papatayin ako ng Mama ko pag nalaman niyang uminom ako.

THE GANGSTER HUNTER [Book 1 completed]Where stories live. Discover now