MISSION 55: UNCERTAINTIES; WHO'S THE REAL ENEMY

2.3K 64 79
                                    

Hello Dedicated to you, thanks for reading :)

 

 

Shim’s POV

Pagkatapos naming kumain, dumiretso agad ako sa banyo.Pahilom na yung sugat ko sa braso pero nilalagyan ko pa rin yun ng gasa. Buti na lang dala ko lagi yung medical kit, nilabas ko yun sa bag ko at nilinis ang sugat ko. Nakakainis ng dahil dito, hindi ako pwedeng mag sleeveless.

Ilang saglit pa ay nakarinig ako ng katok sa mula sa pinto ng banyo.

“Shim matagal ka pa?”

Boses yun ni Paige, bigla naman akong kinabahan.

“Ah... B-BAKIT?” nautal tuloy ako, naantala rin yung paglilinis ko ng sugat ko.

“GAGAMIT AKO BILISAN MO!”

Hala? Nataranta ako bigla, mabilis kong nilinis ang sugat ko.

“SHIIIIM!!!”

Kinalampag pa ni Paige yung pinto, lalo tuloy akong nataranta.

“SAGLIT LANG MAGHINTAY KA DIYAN!”  Binalot ko yung sugat ko ng mabilisan atsaka inayos na ang mga gamit ko. Tiningnan ko pa sa salamin kung mahahalata ba na may sugat ako sa braso—

“SHIM BILIS! SISIRAIN KO TONG PINTO!”

“SAGLIT!” nakakainis ang pagkamainipin niya, baka natatae na kaya pinapalabas na ako dito. Tsk.

Mabilis na akong pumunta sa may pinto at binuksan yun  para lang makita yung nakasimangot niyang mukha na bumulaga sa kin.

“ANG TAGAL MO ALAM MO YUN?” iritang saad niya.

Nainis naman ako. “Sorry ha? Isa lang kasi yung banyo.”

“Ano ba kasing ginagawa mo?”

“Paki mo.” Pagtataray ko.

“Ano---“

Tinakpan ko ang bunganga niya. “Wag ka ng madaming dada pwede?”

Tinapik niya naman agad ang kamay ko.

“YUCK! GALING KANG BANYO!”

THE GANGSTER HUNTER [Book 1 completed]Where stories live. Discover now