MISSION 23: A TOTAL LOSS OF REMEMBRANCE Part 1

4K 79 15
                                    

Hi! para sa iyo ang chap na ito salamat sa pagbabasa ;))

Main Hunter’s POV

“Handa na ba ang lahat?” tanong ko sa alipin ko.

“Opo Main Hunter, handang handa na.”

“Siguraduhin mong hindi papalya yan kundi malilintikan ka.”

“Y-Yes Main Hunter.”

Inihanda na nila ang dapat gawin, hindi maaring masira ang plano ko sa mga special skilled hunters. Kaya naman lahat ng pagkakaalam ng lahat tungkol sa kanila… buburahin ko na yun ng permanente.

“Systems ready.”

“Datas to be deleted is all set.”

“The blank virus to be launch on 5, 4, 3, 2 1.”

My dear special skilled hunters, you will be my slave… forever

Shim’s POV

Inayos ko ang buhok ko na medyo maikli na mga lagpas balikat na lang. Tinanggal ko na yung extension… baka mahalata pa ako eh. Buo na rin ang desisyon ko, iiwasan ko muna si L, kahit na hindi niya pa alam kung sino talaga ako… mas maigi na yung iwasan ko siya bago niya pa man malaman.

Bago ako pumasok ng room nakatanggap pa uli ako ng text galing kay Chadburn, kulit talaga nun! Basta magpapakita rin ako wag lang nila akong madaliin. Pupunta ako bago pa man ang deadline.

“Ang guwapo nun oh!”

“Teka… kamukha ni Myungsoo kyaahh!”

“Oh my Gosh anong section yan?”

Napatigil ako sa pagkakalad nang marinig ko yung pinag-uusapan ng tatlong babae, nagtaka rin ako nang biglang dumarami yung estudyante na nagtitipon sa school ground, karamihan babae at lahat may kung anong pinagbubulungan. Sino bang pinagkakaguluhan nila…

THE GANGSTER HUNTER [Book 1 completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon