MISSION 20: A HINT TO WHO YOU ARE

3.8K 80 11
                                    

Hello wala pa ako dedic sau haha! para sayo oh :D BATANG MAKULIT! XD

Shim’s POV

Nakahiga ako sa kama ko, tinititigan ko yung cellphone na binigay sa akin ni Paige. Yaman niya naman para mamigay ng ganitong kagandang cellphone eh yung bahay niya nga parang abandonado.

“Magamit ka na nga! Hihi.” Kinuha ko yung extra kong sim, hihingin ko na lang siguro kay Aerich mga dati kong contacts kung di rin naman kasi makulit yung si Paige edi sana hindi nasira yung cellphone ko pero hindi rin naman mapapalitan wahaha! Okay na to, mukha namang bago eh.

“Sim card inserted!” ini-on ko na, tapos nangkalikot na naman uli ako malay ko ba kung nangangain ng tanga ang cellphone na to, mabuti pang ngayon ay maagapan ko. Tiningnan ko yung contact list kahit alam kong malinis yun, pero mukhang mali ako. “La? Naka-save sa mobile ang contacts ni Paige? Tinanggal niya pa sim card niya nandito rin naman pala! Haha.” Matingnan nga kung sinu-sino mga contacts niya.

Oh…

Walang letter A,B,C,D,E,F,G. Alam niyo kung ano simula?

Letter H!

~Head quarters

Yan ang nakalagay. Tapos mas naging weird pa ang mga sumunod.

Low skilled_H#1

Low skilled_H#2

Low skilled_H#3

Ano ba to puro naman Low skilled_H nagkaiba lang sa number! ano bang klaseng contact list to? wala man lang Mama, Papa, Ate, Kuya, Bestfriend mga ganung contact list grabe. Napakawirdo! Ang dami pa. ano ba tong mga kasunod?

Special skilled_H-Dongwoo

(o_o) Dongwoo? Ng Infinite? Haiish bakit ba puro Infinite naiisip ko malay mo naman kapangalan lang—

Special skilled_H-Hoya

Special skilled_H-Sunggyu

Special skilled_H-Sungjong

Special skilled_H-Sungyeol

Special skilled_H-Woohyun

WHAT THE--- SI L na lang kulang INFINITE NA TO! napabangon ako ng di oras sa kama ko! hindi ko alam pero parang nagsimula na naman akong kabahan.

THE GANGSTER HUNTER [Book 1 completed]Where stories live. Discover now