MISSION 56: ENLIGHTEN ME

2.2K 64 80
                                    

Hello saeng! Haha dedicated sayo natagalan ako kase... natulog pa ako tapos nagluto, hirap mag-isa sa house and everything pasko pa naman. Shoot daldal ko. Ito na à

Shim’s POV

Time check, 6:00 PM. Anong oras umalis si Paige? Malay ko dun basta alam ko maaga pa yun. Tapos palubog na yung araw hindi pa rin siya bumabalik. Ano ba kasing nangyari dun? May masama ba akong sinabi? Wala naman...ano lang...

“Tsk. Nasaan ba kasi yun?” napapalo ako ng mahina dun sa railings sa may veranda. Kanina pa ako nakatayo dito. Boring kasi, wala rin naman akong kausap. “Isang oras pa... pag yun di pa dumating...”

After 1 hour...

 

“Nasaan na yun?” nabubugnot na tanong ko na naman sa sarili ko. Madilim na sa labas—teka—nagtampo ba siya sa kin? “Wala naman akong ginawa ah.” Sabi ko bago pumasok sa loob. Pumunta ako sa kama ko at naupo. Tiningnan ko yung walang kwenta kong cellphone. Low bat pa rin siya katulad kahapon. Tss. Tapos... nagugutom na rin ako.

Langya ka Paige nasaan ka na ba... gutom na ko—“HAY MAHANAP NA NGA YUNG TAONG YUN!” bulalas ko sabay tayo sa kama at nagdire-diretso palabas.

Nagmamadali akong lumabas sa hotel na yun, kahit di ko alam kung saan ko siya hahanapin magbabakasakali na lang ako. Pero may ideya naman ako kung saan siya posibleng naroon, sa tahimik na lugar. Hindi naman yun mahilig sa maiingay na lugar. Sana lang tama ako sa mga pinag-iisip ko.

Dala yung teorya ko, napadpad ako sa may dulong bahagi na ng dalampasigan. Mabato na doon, may tao bang maglalagi dito? Babalik na lang sana ako kaso may natanaw akong pigura ng tao sa di kalayuan. Nakatalikod siya mula sa direksyon ko at nakatanaw sa malawak at madilim ng karagatan.

Nagsimulang mag-iba yung kabog ng dibdib ko, alam ko... si Paige yan. Lalapit ba ako sa kanya? Feeling ko kasi hindi niya ako papansinin... parang alam ko na rin kung bakit siya nag walk out kanina, nagmamaang-mangan pa ako, alam ko naman na... yung sinabi kong pakielamero siya ang ikinasakit ng damdamin niya. Pero di ko naman alam na ganito ang magiging impact.

Walang mangyayari kung tatayo lang ako dito, naiilang ako pero lumapit ako sa kanya ng dahan-dahan.

“Paige...” mahina kong tawag sa kanya. Pero sad to say, hindi niya ako nilingon. La? “Paige.” Tawag ko uli, pero dedma na naman ako. PS: Mahirap tawagin ang taong nagbibingibingihan. Last na lang. “Paige. Huy Paige.”

Dedma 3 times.

Kokotongan ko sana siya kayo napaatras yung kamay ko. Baka lalong magalit. Anong gagawin ko? Mukha akong tanga ditto na nakatayo pero siya nakatalikod pa rin sa kin. Bad trip ka Myungsoo/L/Paige. Bad trip ka alam mo yun? Napasabunot ako sa sarili ko tsaka pabagsak na naupo. Pero hindi sa tabi niya... naupo ako patalikod din sa kanya at sumandal ako sa likod niya.

THE GANGSTER HUNTER [Book 1 completed]Where stories live. Discover now