MISSION 34: HER FIRST BLOW

3.2K 64 17
                                    

HELLO GUYS! sorry ngayon na lang uli makakapag UD busy kasi sobra sa school. Kaloka po ang pasok ko. Anyway tnx sa paghihintay!

Shim's POV

Papasok na ako ng gate ng school, tapos para akong zombie habang naglalakad, nakatulala. Ang dami kong iniisip. Gusto niyo malaman kung ano? yung sinabi ni Paige na gusto niya kong ligawan, tototohanin niya kaya yun kapag umuoo ako? Tss. Parang naiilang na tuloy akong lumapit sa kanya.Tapos isa pa tong si Sungyeol... yung envelope, ang totoo galing talaga sa kanya... tapos yung laman nun sulat... ang nakalagay...

"Ang sikreto ay parang isang kayamanang binaon man ng malalim ay mahuhukay at mahuhukay pa rin."

Napakaikli lang nung sinabi niya sa sulat pero napakalalim ng kahulugan, lalo na tuloy akong nababahala---

"Shim!"

(o_o)

Napatigil ako sa paglalakad. Pero hindi ko siya nilingon. 

"Shim!"

tinawag niya uli ako, tapos naramdaman kong papalapit na siya sa kin. Omo. Anong gagawin ko? haharapin siya? eh pagkatapos nung pagtatapat niya? -_- TATAKBO NA LANG AKO!

"SHIM!!!!!"

Bahala ka diyan Paige, baka mamaya magtanong ka na naman kung pwede mo akong ligawan mapaoo pa ako.

Paige's POV

Anong problema ng babaeng yun? bakit niya ako tinatakbuhan? Bwisit na. Gusto pa ata nitong magpahabol eh. Then I'm playing this game. 

"SHIM EGAMINO! Kapag ikaw naabutan ko sa kin ka na!"

nanlalaki yung mga mata niyang napalingon sa kin. I smirk.

Shim's POV

Tumakbo ako pero di ko inaasahang hahabulin niya ko! Lakas ng sapak ng lalaking to, tapos ano yung sinabi niya este sinigaw niya? ANG DAMI KAYANG ESTUDYANTE OH! 

"BAKIT MO BA AKO HINAHABOL WAG KA NGA!" Sigaw ko sa kanya tapos lalo pang tumakbo!

"NAGPAPAHABOL KA EH! TUMIGIL KA KAYA!"

-_-

"AYOKO!" Tsk. Baka pag tumigil ako ano.... HAAY!! 

Nasa school ground na ako na tumatakbo pa rin, pinagtitinginan na tuloy kami. Kasi naman eh. TITIGIL LANG AKO PAG NAKAABOT NA AKO SA CLASSROOM!

THE GANGSTER HUNTER [Book 1 completed]Where stories live. Discover now