MISSION 38: FRAME UP

3K 50 4
                                    

 HELLO! Para sayo. ^^

Hennesy "Lady Poisonous’s" POV

Let's have a fight, meet my league tomorrow evening at Block 6.

                                                             -Lady Poisonous

 "TSK!" ginusot at itinapon ko sa harap ko ang papel na pinagsulatan ko ng imibitasyon para sa isang laban na gusto kong maganap sa min ni Invisible Queen. Kating-kati talaga akong makalaban siya. Pang ilang imbitasyon ko na bang gawa yan? hindi ko na mabilang. Pero hindi ko maibigay bigay sa kanya dahil alam kong ikagagalit yun ng Main Lord. Pinagbawalan kaming magkaron ng gang fight ngayon habang nandiyan pa ang mga hunters. Kaya bwisit talaga!

“My Lady, the poisoned needles are ready to be tested.”

Tumayo ako mula sa maganda kong pagkakaupo at nilapitan ang tagasunod ko. Kinuha ko yung isang sample ng poisoned needle na hawak niya.

“Good, so… shall I test it...WITH YOU?”

Napaatras siya. "L-Lady Poisonous..."

"HAHAHA! Masyado kang takot!" tuwang-tuwa ako nang makita ang takot sa mga mata niya tss. Ibinaba ko na yung may lasong karayom, nagbibiro lang ako... wala akong balak patayin ang ka-league ko. "May tiwala ako sayo Cassandra kaya kahit hindi ko na i-test yan alam kong effective yan. Kaya itago mo na, at wag na wag mong hahayaang kung sino na lang ang pumasok sa kuwarto kung nasaan ang mga karayom na yan!"

"S-Sige Lady Posinous."

"Good. Makakalayas ka na." Ini-wave ko pa ang kamay ko sa kanya para lalo niyang madama na inistorbo niya ako. Pagkatapos ay saka ako bumalik mula sa pagkakaupo at tinawagan si Shiatsu pero di ako sinasagot. Bwisit! Kumuha na lang ulit ako ng papel at nagsulat. Humanda ka Invisible Queen... makakalaban din kita! Bakit ba ako nagagalit sa kanya? Ano bang meron siya na hindi ko matanggap? Sulat ako ng sulat. Sulat. Tapon. Halos mapuno na ng gusot na papel ang buong silid na yun. 

Third Person's POV

Sinunod ni Cassandra ang iniutos ni Lady Poisonous, bumalik siya sa silid kung saan nakatago ang mga nakalalasong karayom na ginagamit lamang sa mga seryosong labanan. 

Bubuksan na sana ni Cassandra ang pinto...

"Psst..."

Napatigil siya. 

"May tao ba diyan?"-tanong ni Cassandra, ngunit walang sumagot sa tanong niya, kaya inakala niya na lang na guni-guni lang yun. Hanggang sa tuluyan na siyang makapasok sa silid.

Woosh~

Tila may hanging dumaan sa gilid niya. Pero sarado ang buong lugar na yun. Kinilabutan siya ngunit agad na isinantabi ang karayom at dali-dali sanang lalabas ng lugar na iyon pero bago pa man niya magawa ay may kung anong bagay na ang humampas sa likod niya!

THE GANGSTER HUNTER [Book 1 completed]Where stories live. Discover now